THIRTY SEVEN "A Beautiful Nightmare"

24 7 10
                                    

Hindi ako masyadong nakatulog kagabi. Iniisip ko pa din ang mga nangyari.

Nakauwe na pala kami kami ni Jelay dito sa HQ at isang araw na ang lumipas matapos ang insidente.

Nag positive ang isinagawang DNA test sa mga bangkay at kina Kelly. Ibig sabihin ay sila nga ang natagpuan doon sa gubat.

Hanggang ngayon hindi pa din ako makapaniwala. Halos buong gang ay nagluksa sa pagkawala nila. Pina cremate namin ang katawan nila dahil ang pangit naman kung ikakabaong namin na sunog ang katawan. Itinabi namin ni Jelay ang kanilang  mga abo  sa ceramic box at inilagay sa kani-kanilang silid dito sa cabin.

Kahapon nga pala....Nagsagawa din kami ng kaunting salo salo at program para sa pagkilala sa mga kagitingang nagawa ng dalawa. Hindi ko na nga tinapos ang event dahil wala pa sa kalagitnaan ay umiiyak na ako.

Bading na ba ako nun?

Bahala na kayo.....

Dahil sa pag wo-walk out ko kahapon, nakita ko ang napaka gandang ilog na ito. Sa kalalakad ko, napadpad na pala ako sa loob ng gubat. Hindi ko na nga namalayan na nakarating ako dito.

May maliit na talon sa may dulo  na syang pinang-gagalingan ng tubig dito sa ilog. Malinaw at malinis din ang tubig. May mga magagandang bato din sa paligid nito. Isama  mo pa ang malalambot na damo na nakakalat paikot dito.

Talagang  napaka ganda.

Ngayon, nandito nga ulit ako. Masarap kasi ang hangin dito. Idagdag mo pa ang katahimikan at view sa taas. Kitang kita ang mga bituin sa langit kasama ang dyosang buwan.

Nakaupo lang ako sa damuhan habang nakatanaw sa ilog. Hindi ko tuloy maiwasang malungkot.

Naalala ko ang mga araw na magkakasama kami. Magkasabay sa pagkain, umaga, tanghali at gabi. Simple lang ang lahat pero masaya at enough na para sa amin. Yong mga panahong napupuno ng kulitan ang buong cabin. Aasarin nila si Jelay, mag yayabang si Kelly na babarahin ko naman at sa huli si bunso ang mag iiba ng ihip ng hangin.

"I missed them." Bulong ko.

Planado ko na ang lahat noong araw na iyon. Maayos na lahat.... Kaso may nangyari..... Iyong araw na dapat ay ang pinaka masayang araw namin ay kabaliktaran ang naganap.

I was about to tell my love on her. Magpo-propose na sana ako. Aayusin ko lang ang tampuhan sa pagitan namin ni Raine. Pagkatapos nun, magtatapat na ako.

Kinuha ko ang isang maliit na red box sa bulsa ko. Binuksan ko yon at lumitaw ang isang diamond gold ring.

"Fuck!... " Ani ko kasabay ng pagpatak ng mga luha sa mata ko.

Nasa daliri mo na sana to ngayon, Mrs. Waynle. Katabi na sana kita ngayon. Nayayakap at nahahalikan na sana kita ng malaya.

Sana.....

Nahiga ako sa damuhan. Tinitigan ko ang langit habang patuloy lang sa pag agos ang mga luha ko.

Kasalanan ko....

Kung hindi ako nagplano edi sana buo pa kami.

Tss...

Ipinikit ko ang aking mga mata. Pilit inaalala ang itsura ng babaeng dapat pakakasalan ko. Bawat sulok at anggulo ng maganda nyang mukha. Kung paano sya ngumiti, magalit at mataray.

Gusto ko sya... Lahat lahat sa kanya ay minahal ko.

I love her.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
________________________________________
.
.
May kung anong kumikiliti sa pisngi ko. Napakunot ang noo ko.

RPW  "Turns to Reality"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon