DWAEYNE WAYNLE POV
Masakit para sakin na makita si Kelly na ganito. Nanghihina at lumuluha. Parang dinudurog ng pino ang puso ko lalo na at dahil ito kay bunso.
Gusto kong patayin lahat ng nakaupo sa unahan na walang ginawa kundi paglaruan kami. Dapat nga hindi ko pipigilan si Mrs. Waynle kanina, ehh. Tutulungan ko pa sya. Pero......iniisip ko din ang mga pwedeng mangyari. Maaaring mapahamak kami at pare pareho kaming mamatay.
Mabuti nalang at kumalma na sya ngayon. Nakaupo na kaming lima dito, pawang mga tahimik at malayo ang lipad ng isip.
Hindi ko alam kung anong oras, petsa at araw na. Basta, wala pa kaming tulog. Nakadagdag pa ang antok sa problema.
Nasa unahan pa din sila. Busy sa mga papel na hawak at pinagpapasa pasahan nilang lahat. May paminsan minsan na mukang nagtatalo si Zack at Supremo na ikina tatahimik ng lahat.
Tsk.
Well planned, aye? Talagang scripted na ang lahat ng gagawin nilang hakbang.
Nailing nalang akong napabuntong hininga. Naagaw naman ni Zack ang atensyon ng lahat ng tumikhim sya bigla.
"Ow... May nakalimutan pala akong sabihin." Sabi nya. "You are all 44 members of DPG......45 to be exact kasama ang Supremo nyo."
Sino ang isa?... Masyado ba kaming abala sa pag iisipin at hindi na namin namalayang may ipinasok silang isa pa?..
"Wala naman silang tinawag kanina, ahh.." Singit ni Crim.
So, wala pa nga?...
"Actually, sya yung kauna unahang nakatapos. Naubos nya ang buong klase sa isang iglap lang. Muntik pa ngang madamay si Taurus, ehh..." Humalakhak sya.
Taurus ba kamo?.....
Ibig sabihin......
Biglang tumayo si Kelly at matalim na tinitigan ang mga nasa unahan.
"Impressive, doesn't she?... Kaya naman, gusto kong ako mismo ang magpapakilala sa kanya."
Bumukas ang pinto.
"No. 1 in Unknown Ranking sa Combat Section. Nalampasan nya ang unang nasa taas na si Mr. Waynle...." Nakangiting ani nya na nakatingin sa direksyon namin.
Fuck you..... Zack....
"Miss..... Hamilton.."
Napanganga ako...literally..
Nakasuot sya ng white off shoulder lacy dress at sandals na may takong. Naka hairband din sya habang malayang nakalugay ang kanyang mahabang buhok. Mas lalo ata syang pumuti...hiyang sa aircon ang bata. Pero nakayuko sya at dahan dahang naglalakad. Napangiti ako ng mapansin kong nakabusangot ang mukha nya.
BINABASA MO ANG
RPW "Turns to Reality"
ActionPaano kung dumating ang oras na magkita kayo? Wala ng screen na nakaharang, distansyang milya milya at keyboard na hindi nagsasalita. May bisa pa rin ba ang rs na nabuo nyo sa pekeng mundo? May kahulugan pa rin ba ang mga salitang nakalathala sa inb...