TWENTY

16 7 1
                                    

MORRAINE SHALLOTE RODRIGAR POV

Maaga akong nagising. Sa totoo lang, hindi talaga ako makatulog. Kinakabahan ako. Sobra.

Kagaya ng inaasahan ko, wala na din sila pagkababa ko. Ewan ko ba sa kanila at parang mas excited pa sila kaysa sa akin. Kahapon pa nilang tinatanong kung handa na daw mga gamit ko at iba pa.....ohh, well.... I know that they're just worried. And I'm thankful about that.

Malamig ang simoy ng hangin ng lumabas ako ng bahay. Madilim dilim pa din ang paligid dahil babago palang sumisilip ang haring araw.

Naglakad na ako papunta sa HQ ng tahimik. Pinag aaralan ko yun. Ang gumalaw ng tahimik at magaan ngunit mabilis. Dahil sa larangang iyon ako mahina.

Kakaunti palang ang tao sa HQ ng makadating ako. Kaagad akong nagpunta sa in-assign sa akin na maging quarters ko. Dire-diretso akong pumasok sa loob. At isang naka hanger na pink coat at white fitted slacks ang bumungad sa akin. Ito na marahil ang isusuot ko.

Inilock ko ang pinto upang magpalit ng damit. Inayos ko ang sarili ko sa salamin. I tie may long hair into a pony tail and put some light make up. Naka white crop top ako at iyong white fitted slacks with my pointed white shoes. Bago ako lumabas ay sinuot ko ang pink na coat but I didn't mind to buttoned it. I prefer it....in my way...

Naglakad na ako papunta sa conference room kung saan nandun si Supremo at iba pa. Lahat sila nakatingin sakin nung pumasok ako.

"Sweet Devil, are you ready for your first mission?.." Tanong sakin ni Supremo.

"I'm born to be ready..." I reply darkly.

"Good." Binuklat nya ang file sa desk nya. "Kagaya ng napag usapan, Si Mr. Henry Lincol ang pakay mo na classified as a middle rank target. The Unknown said that, they want him dead....without any trace.. So, ikaw lang makakagawa nito."

"Okay..." Walang gana kong sagot.

"Gawin mo ang trabaho ng malinis.."

Tumango ako. Huminga ng malalim at pilit inaalis ang kabang kanina pang bumalot sa buong katawan ko.

"Hey... Are you okay, bunso?." Tanong ni kuya na hindi ko napansing nakalapit na pala.

Tumango ako. "Oo naman po... Ako pa ba?.." Sabay ngiti.

"Here's the earpiece.." Sabat naman ni Ate Kelly.

Ipinakita nya ang earpiece na nasa palad nya. Maliit ito na hugis bilog at kulay itim. Kinuha nya iyon at sya na ang nagkabit sa may tenga ko. Sa loob mismo sya nilagay. Basta na nga ata nya isinalpak iyon sa loob ng butas ng tenga ko,ehh.

"Iyan ang gagamitin nyo upang magkarinigan at makapag usap kayo ni Crim." Paliwanag nya.

RPW  "Turns to Reality"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon