THIRTY EIGHT

17 7 2
                                    

JELAY ANN AVONDALE POV

Nandito kami ngayon sa H.Q dahil sa mga panibagong mission na ibibigay ni Supremo sa amin. Hindi ko alam kung bakit....may nararamdaman akong kakaiba.

"Ano sa tingin mong mangyayari?" Biglang tanong ng babaeng nasa kaliwa ko.

"Wala akong ideya, Demon." Sagot ko.

Natahimik ang lahat ng dumating na si pinuno. Dumiretso sya sa unahan habang may bitbit na mga folders.

Tumikhim sya. "Good day, agents." Bati nya. "Alam kong malaking kawalan sa atin ang dalawang highest rank agents na kinuha ng walang pakundangan. Ginagawa ko ang lahat upang malaman kung sino ang may kagagawan nito."

"Could it be the Unknown?" Tanong ng isang agent na nasa may gitna.

"Maybe yes...maybe no.. Mahirap mag akusa, Caroline." Ani ni Supremo. "Pero may isa pa akong pinagbabasehan... Sa kasalukuyan ay ang DPG ang nangunguna sa ranking ng Unknown. Madaming gang ang natapakan natin at marahil isa sa iyon ang may kagagawan nito. Gusto nila tayong pilayan."

Dahil lang sa walang kwentang ranking papatay sila ng dalawang babae?.... Anong dahilan yun?...
Napaka immature naman ng gang na gun para kainggitan kami gayong pare pareho lang naman kami ng sitwasyon. Dapat nga nagtutulong tulong kami para mapabagsak ang bwisit na Unknown gun, ehh.

Tiningnan ko si kuya na nakaupo sa may kanan ko. Naka tiim bagang ito at nangunguyom ang mga kamao.

"Kuya..." Sambit ko.

Hindi nya ko nilingon pero huminahon naman sya.

"May gagawin kayong mission." Pagtawag muli ng atensyon ni pinuno. "I will group you into four."

Group into four....... Bigla nalang akong nalungkot. Kumpleto kami sana ngayon lung hindi lang......
Hayyyst..

Pinag hanay hanay na nga ni Supremo ang mga agents. Hindi naman nawala sa isip ko kung bakit parang tuliro o aligaga si kuya. Simula nung makita ko sya sa kwarto ni Ate Kelly, parang may kung ano na sa kanya.

"Hoy" Ani ni Demon. "Magkakasama tayo."

"Talaga?.." Napipilitan kong sagot.

"Oh, bakit parang ayaw mo?" Nagtaas sya ng kilay.

"Ayyy naku!.. Hindi. May iniisip lang ako." Paliwanag ko.

RPW  "Turns to Reality"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon