SEVEN

26 6 1
                                    

Nasa loob kami ng super market ng mall. Kasama ko na sina Ate kelly. Tinatanong nyo kung paano? Well, si kuya kasi ang lalaking humila sa kin kanina. Ipinaliwanag ko na din ang nangyari kay mom. Wala naman silang side comments, pero ramdan ko ang gulat at pagkahinayang nila. Nababakas sa mga mukha nila.

Nakaupo kami sa sahig na pawang mga walang imik. Masakit kasi sa kalooban ko ang ginawa ni Mommy.

"Lil sis, stop thinking nonsense." Sambit ni kuya.

Napalingon ako. "A-anong...." Nawala ang sasabihin ko.

"Alam ko kung anong iniisip mo, bunso. H'wag mong sisihin ang sarili mo dahil walang may gusto ng nangyari." Pagpapatuloy nya.

Lumapit si Ate at inihilig ang ulo nya sa balikat ko. "Tama si Dwaeyne, bibi."

"O-okay.." Sagot ko.

Tumayo si kuya, sumilip silip sa magkabilang direksyon, sabay sibat palayo. Kami naman ni Ate naiwan lang dito na nakaupo pa din sa malamig na tiles. Inalis ko na muna ang hat sa ulo ko na mukha ni stitch na nasa t.v ang design. Naalala ko tuloy bigla si mommy.

Maya maya pa ay dumating na si kuya na may dalang mga pagkain.

"Saan galing yan kuya?" Tanong ko.

"Nakita ko yong iba na kumukuha ng mga pagkain...nakigaya lang ako.." Painosente nyang sagot.

Soft drinks, bottled milk, bread, and yogurts. Sa akin iniabot ni kuya ang gatas tapos tig isa sila ni Ate sa soft drink. Pare-pareho naman kaming mayroong tinapay at yogurt.

"Talaga bang kakainin natin to?" Natatawa kong tanong.

"Kapag hinanap, bibi, si Dwaeyne ang may kasalanan." Sagot ni Ate na tatawatawa.

"Pagtinanong kung bakit ko kinuha, sasabihin ko na nakigaya lang ako." Dipensa ni kuya.

Kahit mahirap ang sitwasyon, nagawa pa naming maglokohan. Naubos namin ang mga pagkain na dala ni kuya. Hindi na namin alam kung anong oras na dahil kahapon pang lowbat ang mga cp namin. Wala namang orasan dito sa mall di,ba?

Napatayo kami ng umugong ang tunog ng kung ano. Kasunod nito ay ang ingay na mula sa sirena ng mga pulis.

"Nabuksan na ang mall." Sabi ni kuya.

"Ano nang gagawin natin?" Tanong ko.

"Aalis na tayo." Sagot nya.

RPW  "Turns to Reality"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon