EIGHT

24 8 5
                                    

To:
BitchyIrish

DWAEYNE WAYNLE POV

Kanina pa kami naglalakad ni Raine dito sa kakahuyan. Hindi ko rin alam kung nasaang lugar na kami.

"Bunso." Sabi ko. "Hinto muna tayo. Kailangan nating magpahinga."

Hindi sya sumagot pero huminto sya. Wala pa syang imik mula kanina. Alam ko kung bakit, iyon ay dahil masakit para sa kanya ang nangyayari. Malapit sila ni Kelly sa isat isa. Magkasundo pagdating sa kalokohan at magkasangga sa kahit saan.

Naupo si bunso sa lupa. Walang pakialam kung magdudumi sya o hindi. Ibang klase din naman tong batang to. Hindi kagaya ng iba na maaarte at puro pagpapaganda lang ang alam.

Tumabi ako sa kanya. "Matulog ka na.... Babantayan kita."

Tumango sya. Inayos nya ang kanyang upo, inihiga ang katawan sa lupa at sa mga hita ko umunan.

"Kuya.... Miss ko na sila..." Bulong nya.

"Alam ko.." Sagot ko. "Ganun din ako."

"Kelan pa natin sila makikita ulit?... Makikita pa nga ba?.."

"Oo naman. Positive lang, bunso."

Hindi na sya umimik. Mabuti naman dahil kapag nagtanong ulit sya, hindi ko na alam ang isasagot ko.

Dalawa nalang kami. Nakakainis. Wala akong magawa. Kung kilala ko lang kung sino ang mga yon, nabugbog ko na.

Tsk.

Ang hirap..

Saan kami pupunta ngayon? Paano namin sila matatakasan?
Sino ang maaari naming lapitan?

Pakiramdam ko wala na kaming pwedeng gawin pa. Parang may mga mata sila sa kahit saan.

Pinaglalaruan ba nila kami?

Tsk! Bwisit!

Kinalma ko ang aking sarili. Huminga ng malalim at ini relax ang katawan. Napatingin ako sa langit. Medyo nag liliwanag na. Hindi na namin namalayan ang oras. Teka.....Anong petsa na ba? Pati ba naman iyon hindi ko na alam..

Maya maya pa ay gumalaw ang mga kamay ni Raine. Gising na si bunso. Naupo sya ng ayos at kinusot kusot ang mga mata. Tumingin sya sa paligid. Lingon sa kanan. Lingon sa kaliwa.... Ano bang hinahanap nito?.

"Good morning, lil sis." Bati ko.

Tumingin sya sakin at sumimangot. "Breakfast, kuya.." Atungal nya sabay nguso.

Natawa ako. "Gutom ka na?"

"Opo... Nakulo na tiyan ko, ehh.." Itinuro pa ang tiyan.

Tumayo ako.....Grabe talaga... Pagkain pa rin ang laman ng isip kahit ganito na ang sitwasyon. Napailing nalang ako.

"Tara na... Kailangan nating makalabas dito para makakain ka na." Sabi ko.

RPW  "Turns to Reality"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon