KELLY WOOLF POV
Hindi ko na alam ang mga nangyayari sa paligid ko. Ang tanging nakaagaw sa aking buong atensyon ngayon, ay ang lalaking busy sa pag gamot ng mga sugat ko. Pati na din ang mga kamay na nakahawak sa mga balikat ko na pagmamay ari ng babaeng tinatawag kong Nanay.
Mamamatay kami kapag hindi namin sila pinatay.
Magugulo ang mission.
[NP : Trust you (Gundam OO ending theme song 2) para mas feel na feel ang scene]
Tumingin ako kay Gramps na seryoso lang sa pagbebenda sa akin.
"Pinigilan ko lang ang pagdudugo. Kapag nakabalik ka na sa gang nyo, ipa check mo kaagad." Sabi nya.
Ano bang sinasabi nya?.. Makakabalik lang kami kapag natapos na itong mission na to...
"Gramps..." Sambit ko sa hindi ko malamang dahilan.
Tinapos nya ang ginagawa nya tsaka sya tumayo at ngumiti.
"Gawin nyo na ang dapat nyong gawin." Sabi nya na ikinanganga ko.
"Lolo...hindi naman namin gi-......." Ani ni Dwaeyne hindi naman Natapos dahil isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi nya.
Lahat kami nagulat sa ginawa ni Nanay. May luha ang mga mata nya. Nanginginig ang mga kamay na inilapat sa dalawang pisngi nito.
"I-I'm..s-sorry, nak.. Alagaan mong mabuti ang kapatid mo. Si baby, h'wag mong hayaang mabago ng mga pesteng y-yon. Si- si Jelay? Nasaan si Jelay?... Okay lang ba sya?" Tumango si Dwaeyne. "Ma-mabuti... Alam kong hindi kayo nagmula sa sinapupunan ko. H-hindi tayo magkakadugo. Pero nak, tandaan mong mahal ko kayo...okay?.. Alagaan mo sila Dwaeyne, anak, huh?"
Tumulo na ang mga luha ko. Hindi ko kaya ang mga ganitong tagpo. At hindi ko din inaasahan na dadating kami sa puntong ganito.....na kailangan naming mamili.
Niyakap sya ni Nanay na syang mas dumurog ng puso ko. Pagkatapos ay lumapit sya sakin. Lumuhod pa para magka eye level kaming dalawa.
Hinawakan nya dalawang kamay ko. "Kelly. Mag iingat ka palagi, ahh. Alam kong pasaway ka. Wag masyadong pairalin ang init ng ulo, okay?" Tumango ako. "Good. Alagaan nyo ang isat isa. Mahal kita, nak..."
BINABASA MO ANG
RPW "Turns to Reality"
ActionPaano kung dumating ang oras na magkita kayo? Wala ng screen na nakaharang, distansyang milya milya at keyboard na hindi nagsasalita. May bisa pa rin ba ang rs na nabuo nyo sa pekeng mundo? May kahulugan pa rin ba ang mga salitang nakalathala sa inb...