THIRTY TWO "The UNKNOWN Mascaraed Ball"

16 7 10
                                    

MORRAINE SHALLOTE RODRIGAR POV

Nakabihis na ako. Nakaharap ako ngayon sa malaking salamin dito sa loob ng HQ. Dito kami pinagbihis dahil masyadong malayo kung sa cabin pa kami magmumula.

Black and white ang theme ng Mascaraed ball. At Half - half nun ang suot ko. White sa gitna, black na ang tira. Tube style ang gown ko and its flowing down through my body.

"Hi there, gorgeous." Boses mula sa may pinto.

Napangiti ako. "Hello, handsome." Nakita ko syang ngumiti.

Tanaw ko ang napaka gwapo kong kuya mula dito sa salamin. Ang swerte talaga ni Noona sa kanya. Ang problema nga lang, pareho silang indenial sa mga feelings nila. Halata naman na may something sila, ehh. Napailing nalang ako sa mga naiisip ko.

"Tara na, bunso." Sabi nya.

Pinasadahan ko muna ng one last glance ang aking kabuuan bago ako tumalikod at naglakad palabas.

Dahil sa silver high heels sandals ko, ang bagal ko tuloy maglakad. At least tumangkad ako..... Napansin ata yon ni kuya kaya, iniaro nya sa akin ang braso nya........gentleman.... Tinanggap ko naman iyon ng walang pag aalinlangan.

Pag labas namin, nandito na din ang lahat. Nakahanda na din ang black na van na sasakyan namin. Lahat sila ay magaganda at gwapo sa kani kanilang mga kasuotan.

Sumakay na kaming lahat sa loob. Si Crimson Red, as usual, ang aming driver.

"Nasisiguro kong hindi lang party ang magaganap sa ball na yon. Knowing them, there would be a great destruction." Sabi ni Ate Jelay.

"Yes. Asahan na natin yon. Pero...syempre... Hindi dapat tayo magpaapi.... Ulit." Second emotion ni Demon.

"Maging alerto dapat tayo. H'wag magtiwala at dapat laging handa." Ani naman ni Kuya.

Tama silang lahat. Sa mga mission pa nga lang namin, halos patayin na nila kami, doon pa kaya na harap harapan na.

Naging tahimik ang byahe. Malayo din ang venue ng ball. Sa tingin ko isa itong private property. Marahil ay isa din sa kanila ang may ari.

Isang malaking gate na puno ng mga armadong lalaki ang aming nilagpasan bago kami maayos nakapasok at nag park. Dahil isa itong mascaraed ball, isinuot na namin ang aming mga maskara na tanging ang bibig at mata lamang ang nakikita. Unang lumabas ng sasakyan si Theo. Inalalayan nyang makababa si Ate Jelay at ang iba pa.

Nang makababa na kaming lahat, sabay sabay kaming naglakad papunta sa entrance. Anim na bantay naman ang sumalubong sa amin. Hinihingi nila sa bawat papasok ang mga invitation bilang patunay na kami ay mga agents na nasa pangangalaga nila.

Magagara at mamahaling mga kasuotan ang nagbabanggaan sa loob ng kami ay makapasok. Para itong isang malaking covered court. Wala nga lang mga ring at bleachers. May mini bar sa kaliwang bahagi nito. Nagkalat naman paikot ang mga tables na pwedeng upuan. Isang mababa namang stage ang nasa unahang gitna at buffet ng masasarap na pagkain ang nasa kanan. Habang Slow rock music naman ang tugtuging namamayani sa paligid.

Naupo kami by five sa isang table. Magkatabi lang din naman kaya walang problema. Si kuya, Ate Jels, Noona at Crim ang kasama ko sa table. Ang mga natitirang lima naman ay nasa kabilang lamesa. Si Supremo naman ay nasa malayong table kasama ang ibang mga pinuno ng gang.

"Be alert but careful, guys." Ani ni kuya na may hawak ng isang baso ng red wine.

Umakyat sa stage ang isang lalaking naka black coat. May design na lion ang kanyang kasuotan kaya malamang sa malamang, si Leo ang isang ito.

RPW  "Turns to Reality"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon