DWAEYNE WAYNLE POV
Mabilis ang pagpapatakbo ni Crimson. Halos paliparin na nga nya ang sasakyan. Kung hindi lang sya magaling sa pag da-drive, nabugbog ko na sya. Kung sa iba ito, kanina pa kaming nasa langit..... Or should I say, hell.
Sa awa naman ng ating poong may kapal, nakarating kami ng maayos at buhay sa gang.
Dumiretso kaming lahat sa HQ. Tamang tama naman na nandito din ang lahat. Mukang may pa meeting si Supremo. Naupo kami sa may gilid. Nakita naman kami ni pinuno kaya wala ng problema.
"Dahil may mga kadadating lang, uulitin ko ang mga sinabi ko kanina." Sabi nito na sa direksyon namin nakatingin. "May event na gaganapin sa Unknown. At nagpadala sila ng Ila ng mga invitation."
Ipinakita nya sa lahat ang kulay pula na sobre......... Tss. Ano na namang binabalak nila?
"Pili lang ang mga pupunta. Kakaunti lang kasi ang mga card na nandito. Napag disisyonan ko na ang mga high rank agents nalang natin ang pupunta." Pagpapatuloy nya.
High rank? Ibig sabihin...........kasama kami.
"Pero babalaan ko kayo. Alam kong alam nyo na hindi sila patas lamaban. Madaming beses na silang nangialam sa mga mission natin. Muntik na kayong mama tay dahil din sa kanila. Kaya bilang pinuno nyo, kailangan nyong mag ingat. Magdala ng ilang mga armas at don't let your guard down." Paalala nya.
Tama si Supremo. Mayayabang at madaya ang mga hacker na yon. Dapat kaming maging handa.
"Ito ang mga napili kong pupunta." Ani nya sabay kuha ng isang kapirasong papel. "Mysterious, Alpha, SweetDevil, Pyro, Faithless, Demon Duchess, Knight, ............."
Gaya nga ng inaasahan kasali kami. Kahit kami pa ang high rank agents, kailangan pa din naming maging alerto. Madami at mas malakas sila. Lalong lalo na ang labindalawang nasa taas at si Zack Harley.
Matapos ang ilang litanya ni Supremo, pinaalis na nya ang iba na hindi makakasama. Naiwan kaming sampo dito. Isa isa namang ipinamigay sa amin ang invitation. Bukas magaganap ang Unknown Ball sa ganap na ala sais ng gabi. Mascaraed party ang theme.
"Nagulo ang mission nyo ngayon, diba?.." Tanong ni pinuno.
"As usual.......... Oo.." Sagot ko.
"Mabuti at hindi nila pinakialaman ang assignment ko! Kung nagkataong Oo.....bobombahin ko ang HQ nila!" Sigaw ni Demon.
"Naging maayos din ang sa akin." Singit naman ni Theo.
"Kahit gaano kayo kagalit sa kanila, maging mabait pa din kayo bukas. Kumilos lang kayo kapag sila ang naunang umatake." Ani ni Supremo.
"Tss...mamatay na sana sila." Bulong ni Demonise Gray.
Naiiling nalang ako sa ingay ng isang ito. Wala syang pinapalampas. Sa bawat pag bitaw ng pinuno ng mga salita, nag se-second emotion sya.
Nakauwe na kami matapos ng masinsinang briefing. Dahil sa pagod, dumiretso ako kaagad sa aking kwarto. Hinubad ko ang aking t-shirt at nag stretching ng kaunti.
BINABASA MO ANG
RPW "Turns to Reality"
ActionPaano kung dumating ang oras na magkita kayo? Wala ng screen na nakaharang, distansyang milya milya at keyboard na hindi nagsasalita. May bisa pa rin ba ang rs na nabuo nyo sa pekeng mundo? May kahulugan pa rin ba ang mga salitang nakalathala sa inb...