FIVE

43 8 1
                                    

KELLY WOOLF POV

Hmm..... Good morning..

Nag inat inat muna ako bago tuluyang tumayo at inayos ang hinigaan. Napaaga ata ang gising ko dahil tulog na tulog pa din sila. Dahan dahan akong lumabas ng kwarto.

"Good morning, Mrs. Waynle." Bati ni Dwaeyne na kalalabas lang din ng kwarto nila.

"Same..." Tipid kong sagot.

Bumaba na ako diretso sa kusina. Kumuha ng isang basong malamig na tubig at naupo sa labas ng veranda.

Tanaw mula dito ang kalawakan ng lungsod. Maraming nagtataasang mga gusali ngunit hindi naman magulo. Higit sa lahat, may mga puno at gubat pa ding nananatiling nakatayo.

Nabasag ang katahimikan ng tumunog ang cp ko. Kinuha ko ito sa bulsa at agad na sinagot.

"Hello.." Bungad ko.

Napanganga ako at natulala sa mga narinig ko. Namalayan ko na nga lang na tapos na ang tawag nung naupo sa kaharap kong upuan si Dwaeyne.

"May problema ba?" Tanong nya.

Itinago ko ng muli ang cp. "Oo."

Sumeryoso sya. "Ano?"

"Nawawala si Supremo."

Natigilan din sya. Si Supremo ang pinuno o head admin ng D.P.G. Kaya naman, napakalaking problema nito.

"Si Faith ba ang tumawag?" Tumango ako. "Ano pang sinabi nya?".

" Nagpa panic na sya kanina kaya kaagad ding naputol ang linya. Pero ang pagkakaintindi ko, kahapon pang nawawala si Supremo. Akala daw nila may pinuntahan lang hanggang sa hindi na nakabalik." Mahaba kong paliwanag.

Ang admin kasi ng D.P.G ay magkakakilala sa labas at loob ng RPW.

"Sasabihin ba natin sa kanila?" Muli kong tanong.

"Siguro..... Hindi nalang...." Nangangapang sagot nya.

"Pero kailangan nilang malaman. Nasa condo tayo ni Gramps, karapatan nya yon at ganun din ang iba."

Hindi sya sumagot bagkus ay tumayo at nagpakawala ng malalim na buntong hininga.

"Maghahanda lang ako ng almusal." Sambit nya sabay alis.

Mahirap ang sitwasyon namin. Para kaming mga bilanggo. Naiiling akong tumayo. Naabutan kong nag hihiwa ng mga gulay si Dwaeyne pagdating ko sa kusina. Inilagay ko sa sink ang baso ko. Ako na din ang naghugas para hindi maabala ang chef.

RPW  "Turns to Reality"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon