TWENTY SEVEN

22 6 3
                                    

Jelay_Ann


JELAY ANN AVONDALE POV

Isang linggo na ang nakalipas simula nung nangyari ang Do or Die Mission namin. Pero nakatatak pa din ang sakit na dulot nun.....dito sa puso ko.

Kahit nasa van kami at malayo sa pangyayari, kahit na, sa computer ko lang napapanood ang lahat, sobra sobra pa din ang impact nito sa akin.

Hindi ko lubos maisip na hahantong kami sa ganung sitwasyon.

Nakakagalit.

Nakakainis.

Nakaka.......

"That's so deep... Sa palagay ko, hindi ko na mahuhukay yan."

Nakangiting Theo Blake Roswell ang bumungad sakin.

"Sorry..." Sambit ko.

"Kanina pa akong nagsasalita dito. Pero lutang ka pala...nasayang yung laway ko." Natatawa nyang ani.

"Sorry ulit... May iniisip lang ako." Sabay abot ko sa libro na binabasa nya.

Humalumbaba sya. "H'wag mong pakaisipin ang mga nangyari sa inyo noong mga nakaraan. Dahil sa sitwasyon natin ngayon, makaka ingwentro talaga tayo ng ganyan. Hindi nyo kasalanan ang nangyari."

Tama sya. Pero........dahil sa nangyaring iyon.....nag iba ang ikot ng mundo. May kakaibang aura na nakapalibot sa amin. Hindi na kami masaya. Parang may kung anong pader na ang nakatayo sa bawat isa. Binalot na ng maitim na enerhiya ang cabin.

"Pero.....nag iba na sila... Hindi na kami kagaya ng dati." Malungkot kong ani.

"Hayaan mo na lang muna silang makapag isip. Babalik din ang lahat sa ayos."

Mabuti nalang talaga at nandito sya ngayon. Tanging si Theo lang ang nasasabihan ko ng mga saloobin ko. Simula noong nagtagpo kami at nagkasama sa isang assignment, napalapit na kami sa isat isat. Malaki ang pasasalamat ko dahil dumating sya sa buhay ko.

Inalis ko lahat ng nasa utak ko at nag focus sa pinag aaralan naming bagong gamot at disease. Matalino sya. Halos lahat ng mga data ay ipinaliwanag nya at mabilis nyang naintindihan. Pero may kung ano akong nararamdaman sa tuwing magkasama kami.

"That's it...." Sabi nya na isinasarado ang mga libro.

"Pasensya na.. Ikaw na lang ng ikaw ang nagpaliwanag...wala talaga kasi sa wisyo ang utak ko ngayon.." Ani ko.

RPW  "Turns to Reality"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon