JELAY ANN AVONDALE POV
Hindi ako mapakali dito sa dalampasigan. Kanina pa din wala si Dwaeyne. Sumama sya sa mga lifeguard upang hanapin sina Bibi at Ate.
Nang lumubog na ang bangka namin kanina, isa isa na silang umalis. Hindi man lang namin sila nakilala dahil sa mask nila. Wala tuloy kaming mapaghigantihan.
Bwisit!!! This is supposed to be our happy time. But hell!!... This is a fucking nightmare..
Napatayo ako sa inuupuan ko ng matanaw ko ang mga speed boat na parating. Nandito na ang mga lifeguard. Sana naman nahanap na sila.
Please......
Dali dali akong lumapit sa kanila pagkadating na pagkadating nila dito sa pampang.
"K-kuya..." Tawag ko kay Dwaeyne.
"Jels, hindi namin sila nakita..." Mahina nyang sagot.
Hindi....
Nanghina ang buong katawan ko. Para akong binuhusan ng napaka lamig na tubig."M-may paraan pa hindi ba?" Tanong ko.
"Maghahanap sila sa mga tabing isla. May posibilidad na mapadpad sila doon.." Ani nya.
Sana nga. Parang awa nyo na....... H'wag naman sila... Nawala na sina Mom at Lolo...kaya naman....hindi ko alam ang mangyayari sa amin kapag pati sila ay mawala.
"Mas mabuti pong magpahinga na kayo." Sabi ng isang lalaking naka unuporme. "Babalitaan po namin kayo kapag may mga nakalap na kaming impormasyon."
"Salamat." Sagot ni kuya. Lumingon sya sa akin. "Tara, Jelay.. Gabi na.."
Tumango lang ako bilang tugon. Naglakad na nga kami pabalik sa cottage. Hindi ko maiwasang manlumo ng makapasok na kami sa loob. Boring ang bahay kapag wala sila. Tahimik at walang kulay ang tahanan.
Lulugo-lugo akong umakyat sa taas. Pumasok ako sa kwarto ko. Isinalampak ang sarili sa kama habang nakasubsob sa unan ang mukha.
Sana bukas.....pag gising ko, may balita na tungkol sa kanila.....please....
Ipinikit ko ang mga mata ko at hinayaang tangayin ng antok ang buo kong sistema.
________________________________________
Isang mahinang pagkatok ang gumising sa akin. Iminulat ko ang aking mga mata at kinusot kusot ito. Maya maya ay bumukas ang pinto at iniluwal nito si kuya na nakabihis na.
"Kuya.." Sambit ko sabay bangon.
"Good morning." Bati nya. "Aalis muna ako. Magtatanong lang ako kung may balita na. Babalik din ako kaagad."
"Sige, kuya.... Ingat ka." Sagot ko.
Tumango sya at muling lumabas. Tuluyan naman na akong bumangon. Niligpit ko muna ang aking kana bago ako bumaba. Nagpunta ako sa kusina. Hindi na nakapag luto si kuya dahil sa dami ng problema. Ako nalang muna ngayon ang bahala dito.
Binuksan ko ang refrigerator upang tingnan kung ano ang pwedeng maluto. May laman naman itong cabbage, boneless bangus na naka sealed, tomato, eggs, bottled milk, shrimps at broccoli.
Ano ba naman ito?.. Bakit ganito lang ang laman ng ref nila? Diba dapat yong masa satisfied ang costumers nila?.......
......tssss.....Kinuha ko ang mga itlog at boneless bangus. Hinanda ko ang kalan at frying pan. Magpiprito ako. Hindi naman kasi ako magaling magluto, ehh. Ayos na to.
BINABASA MO ANG
RPW "Turns to Reality"
ActionPaano kung dumating ang oras na magkita kayo? Wala ng screen na nakaharang, distansyang milya milya at keyboard na hindi nagsasalita. May bisa pa rin ba ang rs na nabuo nyo sa pekeng mundo? May kahulugan pa rin ba ang mga salitang nakalathala sa inb...