ONE

50 10 0
                                    

BitchyIrish

After Six Months........

Hmmm......

Good morning.... 😊😊

"Ate, Morraine Shallotte Rodrigar.. Bumangon ka na dyan!!" Sigaw ng isang boses mula sa ibaba.

๑乛◡乛๑

Ang ganda ganda ng gising ko tapos sisirain lang ng magaling kong kapatid.....tsk ..tsk..tsk..

Bumangon na ako sa kama. Nag inat inat ng kaunti para masaya at inayos ang aking pinag higaan.

*ting!...*

Tumunog ang cellphone ko. Haha...Wag kang ano..
Kinuha ko ito at tiningnan kung sino ang nag chat. Napangiti ako ng ang family gc namin sa RP ang pinagmulan nito.

"Morraine!!!"

"Oo. Bababa na!.." Singhal ko.

Hindi ko pa nga nababasa ang chat, ehh.. Ugghh!
Patakbo akong pumasok sa banyo at mabilis na nag ayos ng sarili.

Si Ivan Gray, ang nakababata kong kapatid. Pero kung umasta akala mo kung sino. Simula nung napapadalas na ang pag-alis at pag-a-out of town ni Papa ay naging ganyan na sya. Palagi nyang iniisip ang kapakanan ko. Sya din ang nagluluto sa umaga para sa agahan. Kaya naman napaka swerte ko sa kanya. Sobrang mahal ko yang ugok na yan kahit pa napaka sumpungin at bossy.

Pagbaba ko ng hagdan, naamoy ko na kaagad ang mabangong niluto ng kapatid ko. Pagdating ko ng kusina ay handa na ang lahat sa lamesa. Fried rice, bacon, hotdog and bread. May gatas na din na nakatimpla para sa akin.

"Wow naman, bunso.... Ang sarap nito ahh..." Puri ko habang umuupo sa upuan ko.

"Yeah, yeah.. Kumain ka nalang, ate." Masungit nyang singhal.

"Ang aga aga ang init ng ulo mo." Balik ko.

Hindi na sya sumagot. Naupo na sya sa tapat ko at nagsandok ng fried rice sa plato nya. Tsk...tsk.. Ang aga aga, eh...
Naiiling nalang akong kumuha ng hotdog at bacon saka inilagay sa plato ko.

"Aalis ako. Baka gabihin ako ng uwe mamaya." Sabi nya. "Mag lock ka kaagad ng mga pinto. May susi naman ako."

Yan..... Ganyan sya ka protective. Akala mo kung sinong matanda.

"Saan ka pupunta?" Tanong ko.

"May aayusin ako sa school. Ang daming requirements, ehh." Sabay inom ng kape.

"Okay. Mag ingat ka." Sabi ko. "Pupunta lang akong shop saglit mamaya tapos sa gallery at sa restaurant. Sisilipin ko lang kung nasa maayos ang lahat."

RPW  "Turns to Reality"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon