FOUR

51 7 0
                                    

To:
BitchyIrish
JayAnneCarlos

Nanatiling tahimik ang bata sa likod. Ako naman, busy sa pagda drive.

"Nakatulog na ang bunso sa likod." Sabi ni Kelly.

Tiningnan ko si Raine mula sa rare view mirror. Tama sya. Nakatulog na nga ang bata.

"Hayaan na muna natin." Sabi ko. "Magulo pa isip nyan dahil sa nangyari."

"Oo nga. Grabe naman kasi itong mga nangyayari, ehh. Kung bakit kasi nademonyo ang utak ng mga hacker na yon, ehh..." Maktol nya. Kahit kailan talaga ang daling mag init ng ulo ng babaeng ito.

"Tinawagan mo na ba si Lolo?" Tanong ko.

"Oo. Welcome daw tayo sa condominium nila. Excited na nga tayong makita, ehh."

"Good. Si Jelay at Mom?"

"Nasabihan ko na. Doon nalang daw sila tatagpo sa Condo ni Gramps."

Tumango ako bilang tugon. Mabuti nalang at may condominium si lolo. Pinatawagan ko na lahat sa family GC namin sa RP. Maniwala kayo o hindi, kasama na sila sa buhay ko. Hindi kami gaya ng iba na RP'ier na who you nalang pag sa reality na. Kami kasi, minahal na namin ang isat isa.

Ihininto ko ang sasakyan sa tapat ng malaki at magarang condo. Grabe naman to. Ang yaman naman ng lolo namin.

^_^

"Nandito na daw sina Nanay. Nasa lobby sila kasama si Gramps." Sabi ni Mrs. Waynle.

"Okay. Ipapark ko lang to ng maayos." Sagot ko.

Naghanap ako ng mapag paparadahan ng kotse. Umikot kami sa parking lot. Maswerte kami at may bakante pa sa bandang gitna.

Nai park ko ng maayos ang sasakyan. Bumaba na si Kelly para gisingin ang bata sa likod. Nang masiguro kong okay na ang lahat ay sumunod na ako kay Kelly.

"Bibi..... Gising na..." Nahihirapan nyang sambit habang inaalog alog ang balikat ni Raine.

RPW  "Turns to Reality"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon