TWELVE

25 7 9
                                    

To:
BitchyIrish
Happy Birthday, Ate.
Maligayang pagtanda sayo. Maging mabait ka lang lagi.
I love yah.. 💕

KELLY WOOLF POV

"Kelly..."

Si Jane. Ang kontrabida sa pananahimik ko. Kasalukuyan akong busy sa pag aayos ng aking project sa M16. Hindi ko sya tiningnan. Nakatayo sya sa harapan ng lamesa ko.

"Sa tingin mo ba, makakalusot ka dito ng walang sagabal?" Maarte nyang tanong.

Wala akong pakialam. Patuloy pa din ako sa ginagawa ko.

"Hindi ko hahayaang makalusot ka, Kelly." Muli nyang hamon sakin.

Tumingin ako sa kanya. "Okay... Tatandaan ko yan. Kaya, sa halip na mag aksaya ka ng oras sa pagtayo dyan, bakit hindi mo nalang patunayan na may ibubuga ka?.." Sabi ko sabay ngiti.

"Anong sabi mo?!..... Minamaliit mo ba ko?!." Singhal nya.

Nag kibit balikat lang ako. Kitang kita sa mukha nya ang pag kainis. Grabe.......

Kawawang desperadang babae.

Iiling iling akong ibinalik ang buo kong atensyon sa ginagawa ko. Narinig ko syang umalis. Ang babae kasing yon, daig pa ang kabayo sa ingay ng sapatos.

Simula ng i-announce ang ranking ng bawat section ay uminit na ang buong paligid. Ako ang nangunguna sa Gadget Section. Dahil doon, naging mas mahirap ang lahat sa akin. Maraming nagtatangkang guluhin ang lahat ng ginagawa ko. May instances na din na may humalughog ng mga gamit ko sa bag upang makuha ang sketch pad ko kung saan nandoon lahat ng plano ko. May pagkakataon ding inabangan nila ako upang bugbugin pero baliktad ang nangyari. Sila ang nabalian at hindi ako.

Akala siguro nila, matatakot ako sa mga death note na madalas kong matanggap. Sino ba sila sa akala nila, huh?!.... Wala..... Mga ingeterang palaka na desperado ng makalabas dito.

Hindi naman porket ako ang nangunguna sa Gadgets ay wala na akong alam pagdating sa iba pa. Hindi naman pupwede yon. Kaya naman nagugulat sila sa tuwing aambushin nila ako. Sa halip na ako ang may sugat ay sila pang madami ang natumba.

Magaling ata to, nuh..

The best na, gwapo pa..

(* ̄︶ ̄*)

Tahimik na muli ang paligid ko. Kami nalang dalawa ng M16 ko ang magkasama.

M16 is a 5.56mm automatic rifle with a 20 round magazine.

Ito ang madalas na gamitin ng mga sundalo at iba pang mga opisyal. Maihahalintulad ito sa Armalite AR15 rifle na mula sa United States.

Oo nga at automatic na ito. Pero nakukulangan pa ako. May kung ano sa loob ko na nagsasabi na gawin ko to.

Matutong makuntento. Pero hanggat alam mong may iaangat ka pa, gawin mo ang lahat upang makamtan ito.

Nakaramdam ako ng gutom. Inayos ko lahat ng gamit ko. Pagkatapos ay inilagay ko sa case ang M16. Maingat upang hindi masira.

RPW  "Turns to Reality"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon