DWAEYNE WAYNLE POV
Kahapon pa tahimik si Crimson mula ng Natapos ang mission namin. Idagdag mo pa si Jelay na tila malalim ang iniisip. Naka upo sya sa sofa habang busy sa pag titipa ng ka nyang laptop.
"Jelay." Sambit ko.
Hindi nya ako nilingon. Dumiretso naman ako at tumabi sa tabi nya. Tiningnan ko kung anong ginagawa nya.
Bakit nya pinapanood ang CCTV footage namin kahapon?
"May problema ba?" Tanong ko.
Lumingon sya sa akin. "Hindi ako naniniwalang patay si Ate at bibi."
Napamulagat ako. "Ano?"
Ibinalik nya ang atensyon sa laptop. "Malakas ang kutob ko na nandoon sila kahapon."
Hindi ako makasagot. Ano bang sinasabi nya? Positive na ang katawang nakita sa gubat ay kay Kelly at Raine. Kaya paano?
"Trust me, kuya." Ani nya. "They're still alive."
"Jelay..... Magpahinga ka muna." Sabi ko.
Humarap sya sa akin na tila hindi makapaniwala sa sinabi ko. "Ok."
Sinarado nya ang laptop saka tumayo at dumiretso sa taas.
May nasabi ba akong mali?.
Hayyyst. Nagkibit balikat nalang ako saka tumayo. Pupunta na sana ako sa kusina ng may mapansin akong anino sa may hagdan.
Pasaway talaga si Jelay.. Naiiling akong umakyat ng hagdanan. Isang baitang nalang ang hahakbangin ko nang........
.......walang tao...
Akala ko hindi pumasok sa silid nya si Jelay at naupo lang dito sa carpeted floor.Umakyat na ako ng tuluyan. Dahan dahan akong lumapit sa pinto ng kwarto ni Jels. Binuksan ko ito upang silipin kung anong ginagawa nya.
Nakahiga sya sa kama nya katabi ang laptop.
Papasok pa sana ako ng may narinig akong ingay mula sa kung saan. Dali dali akong lumabas at inikot ng tingin ang paligid.
"Fuck!" Angil ko.
Nakaawang ang pinto ng silid ni bunso! Inilabas ko ang aking punyal. One step at a time ang ginawa ko. Halos pintig lang ng puso ko ang naririnig ko. Tumahimik ang paligid na mas nagpakaba sa akin.
Then I grabbed the door's handle. Sobrang lamig nito.... Naka on ang aircon?..... Tss.... Parang isang suspense horror movie ang peg ko ngayon. Dahan dahang binubuksan ang pinto na sinabayan pa ng pag langitngit nito.
...tenen...tenen..tenen..tenen..tenen....
....ten..Walang tao.
Pero bukas ang aircon... Nilibot ko ang silid. Maayos ang kama, walang nagulo sa bookshelf at hindi naman kulang ang mga potion na nasa......na nasa..
...
Loading....
Loading.......
Loading...
Loading...........nasa may cabinet... Cabinet?...
WALANG LAMAN ANG CABINET!!!!Hinagip ko ang landline. Mabilis kong tinipa ang numero sa HQ.
..toot....
..toot....
.....toot...
Anak ng........... Ano bang nangyayari?..
Putol ang linya ng telepono.
Hayyysst..
BINABASA MO ANG
RPW "Turns to Reality"
ActionPaano kung dumating ang oras na magkita kayo? Wala ng screen na nakaharang, distansyang milya milya at keyboard na hindi nagsasalita. May bisa pa rin ba ang rs na nabuo nyo sa pekeng mundo? May kahulugan pa rin ba ang mga salitang nakalathala sa inb...