DWAEYNE WAYNLE POV
Nandito kami ngayon sa arena. Isang malaking arena na hindi ko alam na mayroon pala dito. Inihanda nga ata para sa pagkakataong ito.
Nakaupo ako sa unahan. Madaming tao. Mukang lahat ay nandidito na. Ibig sabihin lang nito, nandito din sila.
Nilibot ko ng tingin ang buong paligid. Bawat mukha ay tinitingnan. Nagbabaka sakaling makita kahit isa sa kanila. Ngunit bigo ako. Wala sila.
*whistle*
Natahimik ang lahat. Umakyat na ang mga labing dalawang natatanging mga miyembro ng "The Unknown". Ibinase ang mga ito sa mga pangalan ng mga zodiac sign. Pinagsunod sunod sila ayon sa kanilang kakayahan. Si Leo, ang may unang ranggo. Sumunod sina Scorpio, Gemini, Aquarius, Sagittarius, at Taurus. Sina Capricorn, Cancer, Virgo, Pisces, Libra at Aries naman ang sumunod. Huling umakyat sa stage ang kanang kamay at umaaktong pinuno na si Zack Harley. Nahati sa tig anim ang mga leaders at sa gitna nila ito naupo.
"Makikita nyo sa screen kung sino ang inyong makakalaban." Pag sisimula ni Leo. "Isa lang ang rules. Kung sino ang nananatiling buhay, sya ang kampyon."
Nabuhay ang malaking screen sa gitna sa taas. Apat ang mga ito nakaharap sa ibat ibang dureksyon. Parang nasa football field lang. Isa isang lumabas ang mga pangalan sa screen.
"Kilala nyo naman ang sarili nyo. Kung kaninong pangalan ang nakasulat doon ay maayos na magpunta dito sa arena." Paliwanag naman ni Aries.
May isang babaeng pumasok sa arena. Taas noo at mayabang na nakangiti. Nagpalakpakan naman ang mga tao. May ilan ding sumisigaw at nangungutya. Maya maya pa ay isang lalaking payat ang lumitaw mula sa kabilang panig. Mas lalong umingay ang paligid.
"Let the battle begin!" Mabigat at malakas na bitaw ni Zack na prenteng naka upo sa unahan na naka dekwatro pa ang paa.
Nagsimula na nga ang laban. Parehong magaling ang dalawa. Wala silang armas na ginagamit. Purong suntok at sipa lamang ang ginagawa nila pero napaka galing nila.
Natapos ang laban. Ang natirang nakatayo ay ang babae na may malawak na ngiti sa mga labi. Nakahandusay ang payat na lalaki na parang wala ng malay. Pumasok ang dalawang lalaki na may dalang stretcher. Isinakay nila ang lalaki doon at inilabas ng arena.
Naging boring ang mga sunod na laban. Hindi na ko nanood pa. Tumayo ako at humaba mula sa kinauupuan ko. Nagsimula na akong maglakad.
....!!.....
Σ(゜゜)
May nahagip ang mga mata ko. Napahinto ako. Tiningnan ko ang babaeng naglalakad palapit sa arena.
"Hindi maaari....." Sambit ko.
Nagmadali akong tumakbo pabalik. Pero sa halip na sa mga bench ako pumunta ay dumiretso ako sa baba ng arena.
"Kelly...." Tawag ko.
Nakaakyat na sya sa arena. Lumingon sya at nagtama ang mga paningin namin. Lumapit sya. May harang na makakapal na lubid ang palibot ng arena kaya nasa taas nya.
BINABASA MO ANG
RPW "Turns to Reality"
ActionPaano kung dumating ang oras na magkita kayo? Wala ng screen na nakaharang, distansyang milya milya at keyboard na hindi nagsasalita. May bisa pa rin ba ang rs na nabuo nyo sa pekeng mundo? May kahulugan pa rin ba ang mga salitang nakalathala sa inb...