THREE

43 9 0
                                    

To:
BitchyIrish

Literal na napanganga ako sa gulat ng makapasok ako sa loob. Dali dali kong ipinarada ang kotse ko at agad na bumaba.

"Wow....." Sambit ko.

Bago pa mapasukan ng langaw at tulo laway ko, isinara ko na ang bibig ko.

Grabeng ganda... Ang mga puno na may ibat ibang kulay at ang mga bulaklak na ngaun ko lang nakita. Bakit ba hindi ko kaagad nalaman ang tungkol dito?..

Napakatahimik at presko ng lugar. Nagsimula na akong maglakad.

Nabasag ang katahimikan ng biglang nag ring ang cellphone ko. Napatingin muna ako sa paligid at nahiya ng lahat ng tao ay nakatingin sa kin. Agad kong kinuha ang cp sa shoulder bag ko at dali daling sinagot ang tawag. Naglakad ako palayo.

"Lil sis, where are you?" Bungad kaagad sa akin ni kuya.

"Ahh.. N-nasa labas?.." Naguguluhan kong sagot. May kung ano sa tono nya. Kinabahan ako bigla.

"Saan sa labas, bunso." Seryoso at maotoridad na bitaw nya.

"Sa Japan Botanical Garden po kuya. Bakit?"

Rinig ko ang mabigat na paghinga nya. "Pupuntahan kita. Kasama ko si Kelly. Diyan ka lang. H'wag kang aalis."

Mas kinabahan ako. "Kuya, anong nangyayari?"

"Just don't leaved there. Lumayo ka sa mataong lugar at maging alisto ka."

"Ba....Bakit po ba?.."

"Understood?!" Pasigaw nyang tanong.

"Opo! Opo, kuya..." Nagmamadali kong tugon.

"Take care, lil sis." Sabay patay sa linya.

Nagtayuan lahat ng balahibo ko sa katawan. Agad akong napatingin sa paligid ko. Nilibot ko ang kabuuan kung nasaan ako. Walang tao.

Ano bang nangyayari?..

Naglakad ako ng tahimik palapit sa isang malaking puno. Naupo ako ng dahan dahan sa ilalim nito. Bad thing dahil naka dress ako. Napaiktad ako ng may biglang kumaluskos. Nabalot ako ng takot at agad na hinanap ang pinang galingan ng tunog. Nagiging mabigat na ang paghinga ko. Hindi to maganda.

Luminga linga ako sa paligid. Walang tao. Napatayo ako ng may parang nag nabaling sanga. Napatingala ako at pilit na inaninag lahat ng puno sa taas.

"Napa paranoid na ko..." Sambit ko.

Napailing ako. Bagamat kabado ay naglakad na ako pabalik sa pinang galingan ko. Hindi na ako lumilingon sa paligid bagkus ay dire-diretsong naglakad ng mabilis.

Hindi ko alam kung anong iisipin ko. Kung nagbibiro lang si kuya, hindi yun maganda. At bakit naman nya gagawin sakin to?

"Raine..."

RPW  "Turns to Reality"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon