JELAY ANN AVONDALE POV
Sobrang lakas ng kaba na mamumuo sa kaibuturan ko. Hindi ko alam kung nasaan na kami. Ito na ba ang katapusan ko? Dinala ba nila ako dito para i salvage?
Hindi na ako mapakali.
Wala ng matinong ideya na tumatakbo sa utak ko ngayon.
Grabe... Nakakabaliw sa kaba..
Nang ako ang natirang nakatayo kanina sa Elimination, inutusan ako ni Capricorn na maglinis at maghanda. Sinunod ko naman sya. Hindi ko lang inaasahan na makakalabas ako. Sasakay sa heavy tinted van at paliligiran ng mga armadong mga lalaki.
Dinala nila ako dito. Sa tingin ko ay isa itong bayan. Ang kakaiba lang ay ang pader na gawa sa malalaking punong kahoy na nakapalibot dito at ang napakalaking gate. Mapuno at maganda ang lugar. Mahaba ang daang tinahak namin sa gitna ng mga mayayabong na mga puno bago ako nakakita ng malaking bahay na parang mansion. Bumaba kami sa sasakyan at kinalikad naman nila ako papasok.
Ngayon, nandito nga ako sa loob kanina pa. Para itong gym o covered court sa laki. Basta, empty lang ito at walang laman. Kaya naman, para akong tanga dito na mag isa sa gitna ng napakalawak ng espasyo.
Bumukas ang pinto dahilan ng pagkakagulat ko. May pumasok na lalaki na mukang pamilyar. Itinulak sya papasok.
Tinitigan ko naman sya hanggang sa makalapit na sya sa kinaroroonan ko.
"I-ikaw...." Sambit ko.
Kilala ko sya.
Walang duda... Ang lieutenant ng gang namin dati...walang iba kundi si....
"Crimson...." Sabay yakap ko dito na ikinagulat nya.
"T-te-teka...." Tutol nya kaya kumalas ako kaagad.
"Ako to.... Si Jelay..." Sabi ko na nakangiti.
Kita kong nangunot ang mga noo nya. Tinitigan nya ako na animoy pinag aaralan ang kabuuan ko. Tapos unti unti ng umaliwalas ang mukha nya ng magtama ang mga mata namin.
"Jelay... Yeah... Oo..." Nakangiti nyang ani.
"Kilala mo na 'ko?..." Tumango sya. "Oh, great... Akala ko katapusan ko na..kanina pa kong nilalamon ng kaba dito, ehh.."
"Ibig sabihin, nakapasa ka sa Elimination?.." Tanong nya.
"Oo.. At sana ganun din sila...." Malungkot kong sagot.
Naupo kaming dalawa ni Crim sa sahig habang nakatingin sa pinto. Ikinuwento ko sa kanya lahat ng nangyari sa amin. Simula doon sa pagtawag ni Ate Kelly, sa condo ni lolo hanggang sa kasalukuyan.
Masaya sya na nandito din sila. Besides, kapatid nga pala nya si Ate Kelly sa RPW. Kaya naman namin naging kapamilya yon ay dahil sa asawa nya si Dwaeyne. Bale, sister in law namin sya ni Bibi. Pero thankful kami at dumating sya.
BINABASA MO ANG
RPW "Turns to Reality"
ActionPaano kung dumating ang oras na magkita kayo? Wala ng screen na nakaharang, distansyang milya milya at keyboard na hindi nagsasalita. May bisa pa rin ba ang rs na nabuo nyo sa pekeng mundo? May kahulugan pa rin ba ang mga salitang nakalathala sa inb...