JELAY ANN AVONDALE POV
Nakakasiguro ako na nagawan na nila ng paraan ang mga konsehal. Ngayon, kami naman....
We are going to kill the mayor and his vice.
Kampante naman ako dito sa kasama ko kaya, hindi ako masyadong kinakabahan. Pero.... Ang ikinababahala namin ay ang dalawang baliw na babae na piniling mag pakabayani.
Tsk. Tsk. Tsk.
Bakit ba kasi ako may mga kapatid na may lahing ganun.....haaysss.... Kung magkakapatid talaga kami.....nahampas ko na sila ng tambo.
"Stick tayo sa plano, Jelay." Biglang sambit ng lalaking katabi ko. "Doctor. Malones, ipagpapatuloy mo ang medical. At ako ang body guard."
"Aye, aye, sir..." Sagot ko.
"Kapag kumagat sila, ako na bahala." Dagdag nya.
Tumango lang ako. Actually, kanina pa kami naka tayo dito sa harap ng double door na may nakasulat sa taas na 'Mayor's Office'. Ewan ko kung bakit hindi pa kami napasok..... Napabagsak na naman namin ang mga bantay dito sa labas.
"Ready ka na?" Tanong ni Dwaeyne.
"Yes, I am, kuya..." Sagot ko.
Kumatok na nga sya sa pinto. Maganda sana kung marahas naming sinira itong pinto.....pero dahil may sampong armadong body guard na nasa loob, hindi namin nagawa..
Nag click ang lock ng pinto. Lumabas ang isang naka suit na lalaki.
"Hello, I'm Dr. Malones. Natapos na po ang mga konsehal ng bayan. Sila nalang po ang hindi pa." Nakangiti kong sabi.
Hindi sumagot ang lalaki bagkus ay tumingin sya kay Dwaeyne na wala namang kareareaksyon ang mukha.
"I'm the body guard. Everything is fine." Sabi nya ng halos patayin na sya ng tingin nung bantay.
Muling pumasok ang lalaki sa loob. Naiwan kaming dalawa. Magsasalita na dapat ako ng bumukas itong muli. Nagkatinginan kami ni kuya bago tuluyang humakbang papasok.
Kagaya ng inaasahan, sampo nga ang body guard na nandito. Nasa kanyang desk ang mayor at nakaupo sa harapang mono block chair nito ang vice. Lumapit kaming dalawa sa mga ito. Bawat galaw namin ay bantay sarado kami ng kanilang mga mapanuring mga mata. Nakaramdam tuloy ako ng kaba.
Inilabas ko ang aking maliit na notebook, stethoscope na kanina pang nakasabit sa leeg ko, syringe at ang isang gamot na crystal clear.
"Ano yan?" Biglang tanong ng matabang body guard na nasa likod ng mayor.
"Lacthovaliscious Chloro. Isang uri ng vaccine para makaiwas sa mga sakit. Nakakapatay ito ng mga maduduming dugo. Bakit, gusto mo din bang magpaturok nito?" Balik ko dito.
Hindi naman sumagot ang tabachoy na yon. At kung itatanong nyo kung ano yon, gawa gawa ko lang. Hindi ko nga alam kung anong tawag dito, ehh. Binigay lang sa akin ni Bibi. Ang sabi nya, baka daw makatulong ito sa akin. Thirty minutes bago umipekto ang gamot sa target. Kung galing ito kay Raine, isa lang ang ibig sabihin nun. Lason ang nasa bote na ito.
Sinimulan ko na ngang kunin ang mga vitals nila. Inuna ko syempre, ang ating kagalang galang na mayor. Wala syang ano mang pagtutol nung iturok ko na sa braso nya ang gamot. Ganun din ang nangyari sa vice mayor na prenteng naka upo lang.
Niligpit ko ang mga gamit ko tapos tumingin kay Dwaeyne. Wala naman akong mabasang kung ano sa mukha nya. Paano ko malalaman kung ano na ang susunod naming gawin?
BINABASA MO ANG
RPW "Turns to Reality"
ActionPaano kung dumating ang oras na magkita kayo? Wala ng screen na nakaharang, distansyang milya milya at keyboard na hindi nagsasalita. May bisa pa rin ba ang rs na nabuo nyo sa pekeng mundo? May kahulugan pa rin ba ang mga salitang nakalathala sa inb...