TWENTY ONE

16 7 1
                                    

Jelay_Ann
BitchyIrish

JELAY ANN AVONDALE POV

Nandito kami sa parking ngayon. Hinihintay ang pagdating nina bibi. Kanina pa akong kinakabahan. Hindi ko alam kung bakit. Ewan ko din kung bakit ko sya biniro tungkol dun sa nakahandang ward para sa kanya. Pakiramdam ko tuloy may nagawa akong kasalanan.

Maya maya pa ay natanaw na namin ang sasakyan. Madali silang nakadating at nakapag park. Unang bumaba si Crim mula sa driver seat.

"Kamusta?.." Bungad agad ni Dwaeyne dito.

"Kagaya ng naipasa kong email, mission accomplished." Sagot nya.

"Nasaan si bibi?.." Tanong ko.

"Sa likod sya sumakay. Hindi ko alam kung bakit..." Sabay punta nya sa likod ng sasakyan.

"Fuck!!.." Sigaw ni Dwaeyne.

Napatakip ako sa bibig ko. Pagbukas ni Crim ng pinto, nandun si bibi....sa....sahig ng van. Nakahandusay.

"Shit!" Atungal ni Ate Kel na pumasok na sa loob. "Jelay..."

Naaligaga akong pumasok at nilapitan sila. Kinapa ko kaagad ang pulso at heartbeat nya.

"W-walang.....heartbeat... Pe-pero may pulso..." Nauutal kong sambit.

"Fuck you, Crim!" May pagtulak pang sabi ni Dwaeyne.

Nagmamadali nyang binuhat si Raine.

"Shit!... Bunso, wake up....." Sigaw ni kuya habang mabilis na naglalakad.

Nangingilid na ang luha ko. Yung sinabi ko kanina......hindi ko naman sinasadya yon.. Biro lang naman yon.. Hindi ko gusto na maging totoo yon.. Ayaw ko.

Lakad takbo ang ginawa namin maka dating lang sa medics ng mabilis.

May napansin ako sa braso ni kuya na mas nagpadagdag ng kaba ko.

"M-ma-may d-dugo...." Sambit ko.

Natigilan silang lahat. Kanina kasi wala naman yon. Naka crop top lang sya ng makita namin sya sa likod. Wala kaming napansing sugat dahil walang mantsa ng dugo sa suot nyang kulay puti.

Lumapit si Ate Kel upang tingnan ang pinagmumulan ng dugo.

"May tama sya sa may balikat... Sa liked bandang kanan." Sabi nya.

"Shit!!" Mabigat na bitaw ni Dwaeyne sabay takbo.

Tinakbo na namin ang daan patungo sa medics. Bakit ba kasi ang layo?!..

Nang makadating kami ay kaagad kong sinenyasan ang mga kasama ko doon na ihanda na ang lahat. Dinala namin sya sa operating room.

"Ako na bahala...." Sabi ko sa kanila.

RPW  "Turns to Reality"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon