Minsan lang nasa akin ang spotlight kaya lulubusin ko na.
Ako si Jelay Ann Avondale. Sa RPW, ako ang pangalawang anak ni Nanay BM. Syempre, kapatid ko sina Bibi at kuya ko si Dwaeyne.
Akala ko magiging maayos at masaya ang pagsasama sama namin sa condo ni lolo. Pero hindi pala. Iyon pala ang magiging mitsa ng kaguluhan.
Kanina pa ko nakatayo dito malapit sa pinto. Kitang kita ko kung paano nagkakagulo ang buong klase. Para itong classroom na may white board, desk at upuan. Ang kakaiba lang, walang bintana. Magkabukod ang lab at lec room ng MS. Ang instruction ni Capricorn ay paunahan makapunta sa unahan kung saan nandoon ang isang duguang pasyente. Pero bago makapunta doon, kailangan mong patayin ang mga nakaharang.
Grabe..
"Hoy, Miss number 1..." Sigaw ng isa sa mga kaklase ko.
Nilingon ko sya. Nakangiti sya sakin. Natatandaan ko ang pangalan nito... Hmmm..... Brad?.. Basta ganyan...
Maya maya pa ay nagtatakbo na sya malapit sakin na may naka ambang suntok.
Naiwasan ko naman agad iyon. Hindi naman ako papayag na sya lang diba?. Gumanti ako.
Iwas. Suntok. Uppercut.
Shhooootttt.. Hilo....
Pero nakabawi sya. Sumugod ulit. Umiwas ako at kaagad na binuhat ang isang silya sabay hampas sa kanya. Napadapa sya. Hindi ko pa naibababa ang silya ng may panibagong sumugod ulit. Ginamit ko namang pang sangga ang upuan...wow.....multi purpose...
Naging rumble na....
Bawat hakbang ko pauna ay may mga humaharang. Pakaunti naman kami ng pakaunti. Nagkalat na ang mga nakahandusay na mga katawan. Iilan na lang kaming mga nakatayo.
Natigilan ang lahat ng may naglabas ng espada.
"Sige!!! Laban!...." Sigaw nito.
Babae sya at desperada na talaga. Nakikita kong hindi naman sya marunong gumamit nun. Wala syang ibang ginawa kundi iwasiwas lang ng iwasiwas ang espada.
Nakipag suntukan ako sa mga naharang. Headbutt at uppercut. May sipa pang kasama... Hanggang sa nakahanap ako ng tiyempo. Lumimot ako ng isang bag sabay bato sa babaeng may espada. Natumba sya. Naagaw ng isang lalaki ang patalim. Nanlaki mata ko ng saksakin nito ang babae pagkatayo na pagkatayo nito.
Masakit na ang kamao at noo ko. Pagod na din ako.
Saksak at suntok ang ginawa ng lalaki hanggang kami nalang ang natira. Nakangiti sya sakin na animoy nang aasar. Pero ako pikon kaya ako ang unang sumugod. Hinagilap ko ang una kong nahawakan. My best friend, ang upuan. Magaan lang ito at isang single chair lang.
Sinasalag ko ng silya lahat ng atake nya. Saktong pag tira nya ng espada sa gitna ng mismong upuan ng silya at sandalan ito lumusot pati na ang kamay nya.
BINABASA MO ANG
RPW "Turns to Reality"
ActionPaano kung dumating ang oras na magkita kayo? Wala ng screen na nakaharang, distansyang milya milya at keyboard na hindi nagsasalita. May bisa pa rin ba ang rs na nabuo nyo sa pekeng mundo? May kahulugan pa rin ba ang mga salitang nakalathala sa inb...