TEN

27 8 1
                                    

To:
BitchyIrish


MORRAINE SHALLOTE RODRIGAR POV

Isang linggo na ang nakakaraan mula ng ipasok ako dito. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako sanay sa naging takbo ng buhay ko. Nahihirapan pa din akong mag adjust.

"Hamilton, bilisan mo!" Sigaw ni Taurus.

Sya ang nagte train samin. Taurus ang codename nya at kasapi sya sa "The Unknown". Malaki syang lalaki ngunit matipuno at makisig. Katamtaman ang kanyang puti at brown ang mga mata. Nagsusumigaw ang salitang 'danger' sa unang tingin palang.

"Bilisan nyo. Galit ako sa makukupad!" Mas malakas nyang sigaw.

Kasalukuyan akong tumatakbo paikot sa arena kasama ang iba pa. Twenty laps ang kailangan naming buuin at naka fifteen pa lang kami. Labing limang metro in circumference ang lawak ng arena. Tapos gusto nyang matapos kaagad.

Isa ako sa mga nasa hulihan. Sobrang pagod na kasi ako at basang basa na ng pawis ang likod at mukha ko.

Grabe......

Napahinto kami ng naglabas ng baril si Taurus. Ikinasa nya iyon at itinutok sa amin.

"I'll shoot you all, one by one.. And I'm gonna start....to the slowest one."

Nanlaki ang mga mata ko. Lumingon ako sa mga katabi ko na bakas na ang takot sa mga mukha. Huminga ako ng malalim at nagsimula ng tumakbo. Ako na ngayon ang nasa unahan dahil naiwan pa sila doon. Hindi makagalaw dahil sa takot.

Natapos ko ang twenty laps. Kaagad akong pumunta sa bench para kumuha ng tubig. Naupo ako dahil masakit na ang binti at paa ko. Mga ilang minuto pa ay kasama ko na ang iba.

"At exactly one o'clock, nasa Medical Section na kayong lahat." Sabay alis.

Nakahinga ako ng maluwag ng umalis na si Taurus. Nang makapahinga na, ay tumayo na ako at naglakad palayo. Wala akong kinaibigan miski isa sa kanila. Kung mapapalapit ako sa mga ito, mahihirapan ako sa huli. Lahat kami magkakalaban pag dumating na ang finals.

Naglakad na ako papunta sa kwarto ko. Bubuksan ko na ang pinto ng may mga dumaan. Madami sila at puro mga kababaihan din. Siguro sa arena sila pupunta.

Gamit ang wrist watch ko, nabuksan ko ang pinto. High tech lahat dito. Kagaya nito na may sensor na naka connect sa kwarto ko. Wow diba? Kaya gusto ko sa Gadgets Section, ehh. Pero, hindi naman ako magaling sa larangan na yon.

Pumasok na ako sa loob.

.
.
.
.
.
.
.

KELLY WOOLF POV

Naglalakad ako ngayon kasama ang iba pa. Papunta kami sa Combat Section. Nakita ko ang isang babae na papasok na sa kwarto nya. Base sa soot nya, kagagaling lang nya sa arena. Alam kong madami kami dito. At isa sa mga iyon sina Dwaeyne at bunso. Ibat iba lang siguro kami ng schedule kaya hindi kami nagtatagpo. Pwede din namang inilalayo talaga kami ng Unknown sa isat isa.

RPW  "Turns to Reality"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon