TWENTY NINE "Mayor's Assassination 2"

20 6 3
                                    

JELAY ANN AVONDALE POV

Naka lock ang pinto. Nagkaroon na din ng mga bantay. Dahil sa pagsabog, pinanatili ang lahat sa loob nitong silid. Ako, ang mga nurse at ang walong konsehal lang ang nandito. Lumabas si Ate Kels kanina, para sana pigilan ang nagpasabog. Pero sa tingin ko, hindi sila umabot.

Ngayon, pahirapan kaming kumilos.

"Jelay, anim na bantay ang nandyan, makakaya mo bang patumbahin?." Tanong ni Crimstick mula sa earpiece.

"Kaya ko. Ang problema nga lang, baka patay na ako bago ko pa sila maubos. Paniguradong may mga baril na dala ang mga konsehal na to." Halos pabulong ko ng sagot.

"Nasa Mayor's Office ang natitirang dalawang target. Higit pa sa sampo ang bantay nila doon." Dagdag nya.

"Papunta na ako doon." Boses naman ni Dwaeyne.

Nagulat kami ng may biglang sumigaw sa labas. Boses iyon ng isang babae at mukhang malapit lang dito.

Naalarma ang mga bodyguards. Lahat sila ay may hawak na baril na nakatutok sa may pintuan.

*knocks*

Lumapit ang isa sa kanila. Maingat na binuksan ang pinto. Sumilip muna sya ng kaunti, mga nilang segundong pagdukwang ay binuksan nya na ng tuluyan ang pinto. Napamaang naman ako ng ipasok dito sa loob si Raine. Ihinatid sya ng isang bodyguard dito sa loob at pinaupo. Lumapit naman ang mga babaeng konsehal. Tinanong kung anong nangyari. Nakita daw nila ang batang yon na sumisigaw habang tumatakbo.

Good actress...

Parang gusto ko ng pumalakpak sa gaming ng acting skills ni bibi.

Tumayo ako at lumapit sa kanila. Nagsitabi naman ang mga babae upang makalapit ako.

"Okay ka lang?." Tanong ko.

"Mabuting mabuti.." May pag kindat pa nyang sagot.

"Good." Sagot ko.

Niyakap nya ko. "Ako bahala sa bantay.. Ikaw sa iba..." Bulong nya.

"Okay, bibi...." Bulong ko din.

Kumalas na sya sa pagkakayakap. Sabay kaming tumayo. Ako nakaharap sa mga konsehal at sya nakaharap sa mga bantay. Magkatabi kaming dalawa.

Nakangiti kong inilabas ang dalawa kong 45 caliber gun. Kampante kong itinaas ito at itinutok sa kanila. Parinig kong nagkagulo ang mga bodyguards sa likod ko.

"H'wag nyo ng balaking gumalaw...." Maangas na pagbabanta ni bibi.

"Drop that gun now, Dr. Malones..." Sabi ng may mataas na posisyon sa mga konsehal.

RPW  "Turns to Reality"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon