JELAY ANN AVONDALE POV
Wala pa ding nahahanap na info ang gang sa kung sino ang nanloob sa cabin namin. Inisa isa na din ni Supremo ang bawat agents at bahay upang makasigurado. Pati ang buong lugar na nasasakupan ng DPG ay hinalughog na din.
Nasa cafeteria kami ngayon. Kelan ba yong huling punta namin dito? Medyo matagal na din.
Magkatabi kami ni kuya at kaharap naman namin sina Crim at Demon.
"Wala pa din akong mahanap." Sabi ni Pyro.
"Bakit ba ayaw nyong maniwala sa akin na buhay pa sila..." Ani ko na ikinalingon nilang tatlo.
"Jelay...." Saway ni Kuya.
"Nakita ko sila nung nasa mission tayo. Tumulong sila." Dagdag ko.
"Bakit hindi sila nagpakita kung ganon?" Tanong ni Demon.
"Dahil ang alam ng lahat ay patay na sila."
Napailing sila. Bakit? Mahirap bang paniwalaan ang mga sinasabi ko? ....
I'm telling the truth. Alam kong buhay sila..... Knowing them, magaling sila. Top agents pa nga, ehh. Imposibleng mamatay nalang sila ng walang kahirap hirap.Nanahimik nalang ako. Ayaw din naman nilang marinig ang mga opinion ko, ehh....... Bahala sila dyan..
Tumayo na ako. Tinanguan ko lang sila bago ako umalis. Kung ano mang konklusyon ang mabuo nila, wala na akong pakialam dun.
Naglalakad ako ng tahimik. Dapit hapon na din kaya medyo madilim na ang paligid. Madami na ding mga agents ang nagsisiuwian na sa kani - kanilang mga cabin...... Ako?......wala akong ganang umuwe.
Simula nung nawala sila, nabalot na ng lungkot ang bahay. Nakakawala na ng gana.... Sa tuwing gigising at uuwe ako, wala ng babati sakin. Hindi pa din luto ang pagkain..... Wala....as in ...wala.
Sa kakalakad ko, nakalampas na pala ako sa cabin. Kung anu - ano kasi ang iniisip ko kaya.......ayan.....tss..
Tinatamad na akong bumalik. Nagpatuloy nalang ako hanggang sa makarating ako sa lugar kung saan kami nagtagpo ni Theo noon. Medyo matagal na nung huling nagkita at nag usap kami. Busy kasi sya sa individual assignment nya at ako naman...... Ito, nagmumukmok.
Naupo ako sa madamong lupa at sumandal sa natumbang katawan ng puno. Tumingala ako sa itaas....pero sa halip na mga bituin ang nakita ko....
"T-theo..." Sambit ko.
Mga mata nya ang bumungad sa akin. Hindi ko man lang sya namalayan.... Ganun ba ko kalutang?..
Nasa likod sya at nakayuko sa akin kaya naman kitang kita ko ang mukha nya.
....
Loading.......
Loading....
Loading............
Loading.....
Loading..
.load......
.
.
Hinalikan nya ko...O__o
Hindi ko alam kung paano nangyaring naabot nya ang labi ko...nandun sya sa likod ko....ma-may kahoy pang harang...
....kaya..p-paano?..Dampi lang yon pero parang ang tagal..
Huminto ang mundo ko...ang buong mundo ko...
BINABASA MO ANG
RPW "Turns to Reality"
ActionPaano kung dumating ang oras na magkita kayo? Wala ng screen na nakaharang, distansyang milya milya at keyboard na hindi nagsasalita. May bisa pa rin ba ang rs na nabuo nyo sa pekeng mundo? May kahulugan pa rin ba ang mga salitang nakalathala sa inb...