TWENTY FOUR "Unexpected"

21 6 2
                                    

DWAEYNE WAYNLE POV

Pinatawag kami ni Supremo. May malaki at importante daw na kailangan pag usapan. Kaya heto kami, naglalakad papunta sa HQ.

"Ano naman kaya yun?.." Nakangusong sambit ni bunso.

Magaling na sya. Naghilom na ang sugat nya sa likod at naging maayos na din ang paa nya. Mas mabilis syang maghilom kaysa sa iba. Dahil siguro sa mga gamot na itinuturok nya sa katawwn nya.

Natalon sya sa bawat ugat na madadaanan namin. Pasaway ang batang ito.

"Hoy, bata!.. Matapilok ka dyan, ahh.. Babarilin na kita sa ulo." Sita ni Mrs. Waynle.

Tumigil naman ang bata. Nakabusangot syang tumabi sa akin. Natawa naman ako sa kanya ganun din si Kelly na lumapit dito at inakbayan. Mga baliw talaga....

Nakadating kami sa HQ, diretso sa silid kung saan nagtitipon tipon ang mga agents kapag may ganitong pagpupulong.

Pagpasok namin ay nasa harapan na si Supremo. Nakaupo na din sina Demon at Crim pati na din ang iba. Sa bandang unahan naman kami nagpunta kung saan nakaupo si Jelay.

"Mayroon tayong delikadong mission." Pagsisimula ni Supremo. "Kailangan ko ng agents na maaaring gumawa nito na hindi takot mamatay."

Umugong ang bulungan sa buong silid. Maging ako ay naguguluhan.

"Isang buong gang ang kakalabanin nyo dito. Dati syang hawak ng Unknown ngunit ng magtagal na ay tumiwalag ito at tumayo taliwas sa kanila. Kaya naman, pinaliligpit silang lahat." Paliwanag nyang muli.

"Teka. Ilang agents naman ang hahawak nyan?." Tanong ni Demon.

"Ang nakalagay sa Memo na iinadala nila ay....tatlo lang." Sagot nito na nagpakunot ng noo ko.

Tatlo? Kakayanin ba yon ng ganun lang? Ano to, lokohan?... Gusto ata nilang mamatay kami, hindi pa sa madaling paraan. May pa ganito ganito pang nalalaman.

"Suicide mission ba yan?.. Putcha naman... Magbigti nalang tayong lahat." Angal ni Demonise.

Naglabas ng mga folder si Supremo at ipinasa nya iyon sa lahat. Laman nito ang data tungkol sa gagawing mission. Napapilig ako ng aking ulo ng mabasa kung ilan ang kailangan naming patumbahin. Fifty eight.... 58 lang naman...... Grabe.... Lokohan na to.

"Alam kong mahirap. Pero wala tayong magagawa. "Napahinga ng malalim si Supremo. "Any volunteer o ako na ang pipili?"

RPW  "Turns to Reality"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon