TWENTY FIVE "The Do or Die Mission"

18 6 0
                                    

KELLY WOLF POV

Hindi ko kayang panoodin ang senaryo nilang tatlo sa computer. Lumabas ako ng van at naupo sa upuan.

Inhale. Exhale.

"Ate." Naupo din sya sa tabi ko. "Wala bang ibang paraan upang iligtas sila?"

"Jelay, kahit maitakas natin sila, malalaman at malalaman pa din nila. Mamatay tayong lahat." Sagot ko.

Napayuko sya. "Pero.... Si Nanay at lolo yun...... Ang tagal na nating hinihintay na mabuo ulit tayo.."

"Alam ko.." I said it through gritted teeth.

Nanggigigil ako.

Nang gagalaiti ako sa galit.

Hindi ito patas!..

Lokohan na to!

Napahampas ako sa lamese na ikinagulat ni Jels. Napalabas na din yong dalawa.

"Ate..." Tawag nya.

"Okay lang ako, bibi Jels.." Sagot ko.

Kinalma ko ang sarili ko. Hindi na din pumasok si Dwaeyne sa loob ng van. Pinabayaan nya na lang doon si Crimstick.

Mag didesisyon kami ng labag sa aming kalooban. Gagawin namin ito na ang kalahati ng pagkatao namin ay nasa hukay na.

Nagimbal kami ng may pagsabog na naganap. Nagmamadali kaming nagpunta sa loob ng van upang alamin ang dahilan.

"Kumikilos na sya. " Sabi ni Crim. "Pinasabog na nya ang clinic at ang gate. Makakapasok na kayo."

"Paano nya napasabog? Kasama nya sina Nanay sa cabin." Takang tanong ni Jelay.

"She has her own way.." Sagot ni Dwaeyne. "Tara na, Mrs. Waynle."

Tumango lang ako. Patakbo kaming lumalapit sa pader. Madaming naka bantay sa labas. Pilit nilang pinapahupa ang apoy at nagkalat na din sila upang hanapin ang may kagagawan nun.

Inilabas ko ang baril ko. M16 turns to sniper. Kinalas ko ang upper receiver, volt carrier, firing pin at iba pa. Pinalitan ko ito ng mas high tech upang maging sniper gun.

Nag ready na ako. Sinipat ko ang mga nagkakagulong targets sa di kalayuan. Kinalabit ko ang gatilyo ng makapag adjust na ako. Nakita kong mas nagwala sila at hinahanap ang kinaroroonan namin. Pero bigo sila. Napangiti ako. Inisa isa ko sila hanggang maubos.

"Nice one.." Puri ng lalaking nasa tabi ko.

Pinalitan kong muli ang baril ko. Ibinalik ko sa pagiging M16. Pagkatapos ay maingat kaming pumasok sa loob.

RPW  "Turns to Reality"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon