KELLY WOOLF POV
Nakauwe na ng cabin si bibi. Magaling na sya at hinihintay nalang maghilom ang sugat nya.
Nandito kami ngayon sa sala. Nanonood ng t.v. Eksakto naman na ang headline ng balita ngayon ay ang pagsabog ng van ng tanyag na si David Hogan.
"Hindi talaga marunong kumilos ng malinis ang isang ito." Naiiling na sambit ko.
"Mainipin kasi si kuya..." Dagdag naman ni Bibi na nakaupo sa tabi ko.
Sinabi nya pa. Totoo yun. Paligi syang may desisyong kanya. Sarili nyang instinct ang sinusunod nya. Kapag sinabi na nya, wala ng makakapag pabago pa doon.
Kasunod na ibinalita ang naging mission ni Rain. Dinala pals nila sa hospital si Mr. Henry Lincol. At sabi dito, hindi daw malaman ng doctor ang gagawin. Ilang internal organs daw nito ay nalusaw o nawala.
Grabe....
Napatingin ako sa batang may kagagawan noon. Prente lang syang nakaupo at nakikinig sa balita.
"Akala ko hindi gagana yon... Bagong formula kasi yon." Napanganga ako sa sinabi nya.
"A-ano.." Sambit ko.
"Kagagawa ko lang ng poison na yon. Wala pang trials na nangyari. So, sya pa lang ang una..." Ngumiti sya. "Effective pala..."
Alam mo minsan, nakakatakot na tong batang ito. Para syang ibang tao.
"Magsasayang lang sila ng pera sa hospital. Ako lang ang may antidote nun. Aabutin ng buwan o higit pa ang pagsisiyasat ng lason na yon. Plus ang paggawa pa ng lunas...hindi na makakatagal ng ganun ang lalaking yan."
Hindi ko malaman ang sasabihin ko. Mabuti nalang at bumukas ang pinto. Nandito na sya.
"Bunso..." Bungad nya.
Nagmadali syang lumapit sa amin at naupo sa tabi ni Bibi. Kaagad naman lumiwanag ang mukha ni Raine ng makita sya.
"Trending ka sa news, kuya.. Good job.." Nagthumbs up pa sya.
"Syempre naman... Kamusta ka? Wala ng masakit?.."
Umiling. "Wala na po.."
Huminga ng malalim si Dwaeyne. Kinabig nya palapit si bibi at niyakap ito. Tatayo na sana ako ng higitin ako ng bata sa braso dahilan ng pagkakadikit ko sa kanila.
BINABASA MO ANG
RPW "Turns to Reality"
ActionPaano kung dumating ang oras na magkita kayo? Wala ng screen na nakaharang, distansyang milya milya at keyboard na hindi nagsasalita. May bisa pa rin ba ang rs na nabuo nyo sa pekeng mundo? May kahulugan pa rin ba ang mga salitang nakalathala sa inb...