THIRTY SIX "The Fire"

10 7 2
                                    

JELAY ANN AVONDALE POV

Sobrang kinakabahan ako kaya naman mas binilisan ko pa ang aking pagtakbo. Yong putok ng baril na yon....... maraming pwedeng mangyari....

May natatanaw na akong umuusok sa di kalayuan. Huminto na ako ganun din ang lalaking nakasunod sakin. Dahan dahan kaming lumapit sa may puno. Sa likod nito nanggagaling ang usok.

Sinigurado kong wala akong magagawang ingay sa bawat paghakbang ko paikot dito. Malapit na ako.
.
.
Pero....
.
.
Natigilan ako. Kaagad na bumungad sa mga mata ko ang pinagmumulan ng usok. Isang apoy.

"Why?. What was that?" Rinig kong tanong ni kuya sa likod ko.

Pero hindi ako makasagot. Ayaw gumana ng utak at bibig ko.

"Hey" Ulit nya.

Wala.... Hindi ako makasagot. Naramdaman ko syang naglakad........
...

Hindi..... Huwag!... Wag mong tingnan..

Tumulo na ang mga luha ko. Ano bang nangyayari sa katawan ko?!... Ayaw nyang kumilos!..

Nasa unahan ko na si kuya. Tiningnan nya ako. Kitang kita ko ang pagtataka sa mukha nya kahit pa ayaw humiwalay sa mga mata ko ang apoy. At dahil sa naging reaksyon ko......
.
.
.
Lumingon sya.
.
.
.
Ngayon pareho na kaming hindi makagalaw. Hanggang sa maramdaman ko sya na mapaupo sa lupa.

Sobrang bigat ng ibinato nila sa amin. Not literally but emotionally.

"HINDI!!!!!" Sigaw ni Dwaeyne na mas nagpadurog sa puso ko.

Tuluyan na nga akong bumigay. Napaupo na din ako sa lupa. Umiyak na ako ng umiyak.

Bakit?....
.
.
.
Bakit sila pa?!!....
.
.
Hindi ko lubos maisip kung paano nagawa ng mga hinayupak na yon ang ganitong karumaldumal na krimen. Hindi man lang sila naawa?!

Naririnig ko ang mga murang lumalabas sa bibig ni kuya. Galit na galit sya na pati ang lupa ay pinag susuntok na nya.

Sino ba naman ang hindi magagalit?.. Kinuha nila ang dalawang babaeng mahalaga sa amin.

Pinatay nila!

Pinatay sa karumal dumal na paraan!

Gusto kong magwala.... Gusto kong pagbayarin ang mga taong may kagagawan nito!

Narinig ko ang mga yabag ng paparating na mga life guards at rescuers. Lumapit sila sa apoy at pilit na pinapatay ito. Ginawa nila lahat maapula lamang iyon.

Naiiling ako..... Kahit na mamatay ang apoy na yon..........kahit na.....
.. Humagulgol na ako ng iyak...
...... Wala na din naman sila....

"Kailangan po nating magsagawa ng DNA test upang makasigurado tayong sila po ang hinahanap natin." Sabi ng isa sa kanila.

"Y-yes please....  Gawin nyo po ang kailangan nyong gawin." Sagot ko.

Tumayo ako at inasikaso lahat ng tanong nila. Ako na ang bahala sa mga ganito. Hindi kasi makausap si Dwaeyne. Kanina pa sya nakaupo sa lupa at nakasubsob ang mukha sa mga braso nya na nakapatong sa nakatiklop nyang mga tuhod.

Mahirap para sa amin ito. Mas lalo naman sa kanya.... Close na close silang tatlo kaya naman alam kong sobrang nasasaktan sya sa nangyari. Lingid din sa kaalaman ko na may alitan sa paggitan nila ni Bibi.

Napatay na nila ang apoy. Kagaya nga ng sinabi ko, hindi na sila maisasalba pa. Iniwasan ko ding tingnan iyon dahil hindi ko kaya. Halos hindi na makilala ang mga katawan nila. Kasing itim na ng uling ang mga ito at luluwa na ang kanilang mga mata at ngipin.

RPW  "Turns to Reality"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon