THIRTY FOUR "Family Bonding"

9 6 0
                                    

DWAEYNE WAYNE POV

Hindi ko alam kung paano ko aayusin ang gusot na ginawa ko. Kung sa damit lang yon, madali lang plantsahin. Pero si bunso yon, ehh...

Ano gagawin ko? Dalawang araw na nya akong iniiwasan. Ayoko namang lumala pa to. Kaya naman, nag isip ako ng magandang plano. Naglakas loob akong makiusap kay Supremo. Mabuti nalang at pumayag sya.

Napapangiti ako habang naglalakad papunta sa HQ. Pinatawag kami ni pinuno dahil daw sa napaka importanteng mission.

Bwahahahaha.....

“ψ(`∇´)ψ

Nandito na silang tatlo nang makapasok ako sa loob. Hindi ko alam kung matatawa ako o hindi. Seryosong seryoso ang mga mukha nila. Naupo na nga ako sa may likod.

"Okay, team. May ipapagawa ako sa inyo." Pag uumpisa nya. "Pupunta kayo sa isang resort. Bibilangin nyo lahat ng buhangin. Bawat taong nalabas at pumapasok maging kung gaano kalaki ang buong lugar by meters."

Napanganga silang tatlo with matching pag kurap-kurap pa......... Grabe.....
Mauutot na ata ako kakapigil ng tawa ko.

Bwahaha....

"Seriously?" Tanong ni Kelly.

"Is this a kind of joke....or what?" Pagtataray naman ni bunso.

"No. I'm not." Poker face na sagot ni Supremo. "Actually, pag aaralan nyo lang ang lugar. You are staying there for two nights and two days."

"Owwkeyy....?" Jelay sarcastically said.

"This is serious." Pinabigat pa ni pinuno ang boses nya. "Sauluhin nyo ang bawat detalye ng lugar. Lahat ng pwedeng pagtaguan, pasukan at labasan. Idamay nyo na din pati ang mga surveillance camera, resort transaction, their motif and so on. Dahil magagamit nyo yon sa susunod nyong mission."

"Sounds good." Seryoso kong sambit na ikinalingon nila.

"So.... Is it a deal or no deal?" Tanong nya sa amin.

Pwede na sya mag host sa game show.
Grabe....

"Do we have a choice?" Tanong ni Kelly na ikina-iling ni Supremo.

"Ok." Sabay sabay nilang tugon.

Bwahaha.....
Hindi ko maiwasang mag grin... Yong ngiting tagumpay...
.....oh, yeah...

Ngayon din kami aalis kaya nagsitayo na kaming apat. Pero bago pa kami makalabas, may pahabol pa si pinuno na mas lalong nagpasaya sa akin.

"Don't forget to enjoy..."

Kanya kanya kaming impake ng gamit. Kagaya ng dati, hindi pa din nya ko pinapansin. Matapos ang ilang minuto ay nagkita kita kami sa parking.

"Nasaan si kuya Crim?" Tanong ni Bunso.

"He is on a mission. I'll drive." Sagot ko.

Pumasok na sila sa loob ng van. At talagang ginawa nila akong driver dahil nasa likod silang tatlo.

Tss.

Mahaba ang biyahe. Pataas ang kalsada dahilan ng pagbagal ng takbo namin. Idagdag mo pa ang matarik at makipot na daan. Kaya heto, mag la-lunch na ng kami ay makarating sa resort.

RPW  "Turns to Reality"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon