KELLY WOLF POV
Magkakasama kami sa van. Ako, sina Jelay, Dwaeyne, bibi at Crim. Iisa lang kasi ang pupuntahan naming lugar. Sa Dagupan.
Magkakaiba ang naka assigned sa amin pero iisa lang ang main target. Ang mayor at ang iba pang opisyal ng Dagupan.
Malala yata ito ngayon. Hindi maganda ang pakiramdam ko tungkol dito. Parang may mangyayaring mali.
"Oo nga pala..." Basag ko sa katahimikan. "Bibi, malapit ko ng matapos yung pinapagawa mong weapon."
"Talaga, Noona?.." She giggled excitedly. "Yiiieeee..... Na e-excite ako.."
"Ang daya... Paano ako?" Singit naman ni Jelay.
"At yung pinapagawa ko ding belt.." Banat ni Dwaeyne.
Dapat pala hindi ko na lang binuksan ang topic na ito.
Napangiwi ako. "Ehh.... Sa....susunod?" Nag aalinlangan kong sagot.
"I guess...." Biglang sambit ni bibi na ikinaagaw ng atensyon ng lahat. "Tuloy na ba ang plano ko?"
Nabigla ako. Bigla kong naalala ang tungkol don. Bakit ko kasi nakalimutan ang bagay na yon.
"Alam mo namang risky ang plano mo, bunso diba?... Its dangerous.." Sabi ni Dwaeyne.
"Tama sya, bibi... Masyadong delikado.." Banat ni Jelay.
"Wala naman tayong magagawa, ehh." Sagot nya sa kanila.
Kung iisiping mabuti.....tama sya. Wala kaming ibang choice. Maganda ang plano nya. Ang problema nga lang ay delikado at buwis buhay.
Napahinga ako ng malalim. Sumosobra na talaga sila. Enjoy na enjoy silang nakikitang nahihirapan kami. Kapag nakahanap talaga kami ng tiyempo, nakatakas at nakawala, uubusin namin silang lahat.
Huminto ang van sa parking ng isang malaki at mataas na mamahaling hotel. Bumaba kaming lahat dala ang mga gamit.
"Malapit lang dito ang munisipyo." Sabi ni Crimson. "At don't worry sa scanner, hindi nila made-detect ang mga gamit natin. Nagawan ko na ng paraan."
"Nice one, Crimstick...." Puri ni Jelay.
Kalmado kaming naglakad papasok sa hotel. Kagaya ng sinabi ni Pyro, wala kaming naging problema. Dumiretso kami sa reception desk at nagbook ng isang unit. Binigyan pa kami ng mga ito ng nagtatakang tingin dahil isang kwarto lang ang kinuha namin. Pero hindi naman sila nagtanong pa.
Pagkabigay ng susi ay dumiretso kami sa elevator. Ako na ang pumindot sa button na may numerong 39.
Mabilis kaming nakarating sa aming destinasyon. Number 679 naman ang magiging kwarto namin.
BINABASA MO ANG
RPW "Turns to Reality"
ActionPaano kung dumating ang oras na magkita kayo? Wala ng screen na nakaharang, distansyang milya milya at keyboard na hindi nagsasalita. May bisa pa rin ba ang rs na nabuo nyo sa pekeng mundo? May kahulugan pa rin ba ang mga salitang nakalathala sa inb...