THIRTY THREE "Doctor's Love"

10 8 1
                                    

JELAY ANN AVONDALE POV

Hindi ko alam kung anong nangyari. Tahimik ang naging biyahe namin hanggang sa makauwe kami. Pakiramdam ko may nangyaring hindi ko alam. Hindi sila nagpapansinan o nagsasalita man lang. Kaagad din silang pumasok sa kani-kanilang mga kwarto.

Hayyyst.

Kung ganun, aakyat na din ako sa kwarto ko. Dumiretso ako sa banyo at naligo. Pagkatapos ay nahiga ako sa kama ko at tumitig sa kisame.

Naalala ko lang........
Kanina ang isa sa mga masasayang araw ko. Buong party kaming magkasama. Ako lang ang isinayaw nya na lubos ko namang ikinaligaya. Sa tingin ko, kinilig nga ako kanina, ehh.

Assshhhuuuu..... Enebe..... Charrr....

Pasado alas onse na ng gabi. Pero hindi pa din ako makatulog. Bumangon ako at nagsuot ng jacket. Lalabas lang ako sandali. Magpapahangin.

Dahan dahan akong lumabas ng cabin. Tahimik na ang paligid. Wala na ding agents na nagala. Sabagay, mga pagod sila kaya malamang nagpapahinga na sila ngayon.

Wala akong specific na pupuntahang direksyon. Basta nalang akong naglakad sa kung saan. Gusto ko lang ng kapayapaan kahit saglit lang. Ang swerte ko at nakakita ako ng nakatumbang trunk ng kahoy. Siguro matagal na ito dito. Lumapit ako doon at naupo.

"Hayyyy.....ang sarappp" Sambit ko habang nag uunat.

Masarap naman kasi ang simoy ng hangin. Idagdag mo pa ang katahimikan.

"Gabi na... Bakit gising ka pa?"

Kilalang kilala ko na kung kanino nanggaling ang boses na yon. Saulong saulo na ng bawat sistema ko ang presensya nya.

"Hindi ako makatulog. Ikaw,bakit nandito ka, Theo....?" Tanong ko.

Naupo sya sa tabi ko. "Kagaya din ng rason mo."

Tumingala ako sa langit. Napangiti ako ng makitang madami ang mga bituin na kukutikutitap na parang mga fireflies.

"Ang ganda..." Sambit ko.

"Mas maganda ka." Rinig kong ani ni Theo na ikinalingon ko.

Nakangiti sya. (◉Θ◉)

Tumibok na naman ng sobrang bilis ang puso ko. Para akong nakipag marathon sa edsa. Ito na ba ang sign?....... Aamin na ba ako?

"Nambobola ka pa, Doc, ahh..." Sabay iwas ng tingin.

Hindi ko kayang umamin.....
Waaaa... ヽ(*゚ー゚*)ノ
Ang hirap kaya.

"Jelay, sa tingin mo ba......pwede tayong magpatuloy ng magkasama?" Tanong nya.

"Anong ibig mong sabihin?" Napakunot tuloy ang noo ko. Ang labo kaya nya. ~__~

"Yong magiging akin ka at ako ay sayo."

Te-teka......

O_O

Nawalan ba ng hangin?.......
Bakit hindi ako makahinga???...
Ano bang sinabi nya ulit?..
Yong maging sa kanya ako at sya ay sa akin?...
Waaaaaaaa!!!!!!!.......
Pa-paano?...

"Jelay, alam mo..... Nakuha mo na ako simula pa noong una pa lang. Masaya ako kapag kasama ka. Ginaganahan ako kapag nasa tabi kita. At sa bawat araw na dumadaan, mas lalo pa akong nahuhulog ng malalim sayo..." Pagpapatuloy nya.

RPW  "Turns to Reality"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon