FOURTEEN "The Examination part2"

17 7 12
                                    

To:
JayAnneCarlos
BitchyIrish

Nakaupo kaming apat dito sa bench. Naghihintay na lumitaw ang pangalan ni Dwaeyne sa screen.

Wala namang masyadong nangyari sa mga sumunod na laban. Boring..

"Nasaan pala kayo? Bakit ngayon lang tayo nagkita kita?" Tanong ni Jelay.

"Dahil pinaglalayo talaga tayo..." Sagot ni Dwaeyne.

"Pansin ko din yon.." Pag sang ayon ko.

"Hayaan nyo na yon..... Magkakasama naman na tayo ngayon, ehh..." Sabi ni Raine.

Sabagay.... Pero....

Oo. Dahil sa dinami dami ng mga pagkakataong maaaring kami ay magtagpo tagpo. Sa Canteen kung saan kumakain ang lahat, sa hallway, at sa mga ibat ibang section. Maraming beses na pwede.....kaso lang, sadyang pinag lalayo nila kami. Mga peste sila..

"Magkakasama nga....na sa huli ay magkaka laban din." Basag ni Dwaeyne.

Panira talaga... Pero tama sya..

"Oo nga.." Nakangiting sagot ni bibi. "At least may isa sa ating matitira..... At iyon ang tatayo para sa samahan natin.."

Wala akong maisagot. Gustuhin ko mang kumontra kaso walang nalabas sa bibig ko.

Paano sya nakakangiti sa ganitong pagkakataon?

Paano nya nagagawang positibo ang lahat?

"Atleast may isa sa ating matitira". Ibig bang sabihin, handa syang matalo kung isa sa amin ang makaharap nyang muli?.......magpaparaya sya..

Ako kaya?

Lalaban o papatay?

Papatay ako o ako ang mamamatay?

"Kuya.....ikaw na.." Rinig kong sambit ni Raine.

Napatingin ako sa screen. Pangalan na nga ni Dwaeyne ang nakalagay. Wala naman syang kareareaksyon. Sabagay ganyan naman sya palagi.

"Wish me luck..." Ani nya.

"H'wag kang mamamatay." Bulong ko na alam ko namang rinig nya.

Umakyat na ang kalaban nya sa arena na may dalang dalawang arnis. Maangas ang dating nito na akala mo'y kayang kaya nya ang lahat. Itong isa naman, walang dalang kahit na ano... Lakas ng loob..

Umakyat na nga si Dwaeyne. Walang kahit anong makikita sa mukha nya. Kalmadong kalmado lang.

Nagtitigan ang dalawa. Parehong nag papakiramdaman. Naikot na nila ang buong arena. Huminto ang mayabang na lalaki at pinag bangga ang dalawang arnis ng maraming beses. Lumikha ito ng ingay kasunod ng malulutong na hagikhik ng lalaki.

RPW  "Turns to Reality"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon