NINE

23 8 3
                                    

MORRAINE SHALLOTE RODRIGAR POV

Sa magka ibang sasakyan kami isinakay ni kuya. Nakagapos ang mga kamay ko at may busal ang bibig. Hindi ko kita ang daan sa labas dahil tinted ang kotse at may kurtina pa.

Ako lang mag isa dito sa backseat. Ang lalaking dumakip sakin ang nagda drive tapos katabi nya doon ang isa pa ng naka jacket na blue. Kanina ko pa din iniisip na tumalon katulad nung ginawa namin nina kuya kahapon. Pero paano ko bubuksan ang pinto?......Pft..... Ginalaw galaw ko ang mga kamay ko. Pinipilit na makalas ang pagkakatali.

"H'wag mo ng ipilit, Miss. Hamilton. Ikaw lang ang mahihirapan." Sabi ng nasa driver seat.

Napatingin ako sa unahan. Gamit ang rare view mirror ay kitang kita nya ako dito. So, kanina nya pa akong pinapanood?

Creepy....

Wala akong choice. Hindi ko matanggal ang tali...... Pft..... Suko na ko... Sumandal ako ng ayos at ipinikit ang mga mata.
.
.
.
.
.
.
.

DWAEYNE WAYNLE POV

Kinaladkad nila ako pababa ng sasakyan. Dahil nakapiring ako, wala akong choice kundi magpatianod sa pagtulak nila. May naririnig akong bulungan at ingay hindi ko lang mawari kung ano.

Sa hinaba haba ng pagkaladkad sakin, sa wakas ay huminto na din kami. Naramdaman ko ang isa sa likod ko na hinigit ng marahas ang piring ko sa mata. Bumugad naman kaagad sa akin ang kabuuan ng kwartong kinaroroonan ko. All white from floors to walls. Kahit ang mga gamit ay hindi nalalayo sa kulay na puti.

Ano to mental?...

Kinalag nila ang tali ng mga kamay ko. Dali dali ko namang tinanggal ang busal sa bibig ko at hinarap sila.

"Nasaan ako?!.. Anong ginawa nyo sa kapatid ko?!.." Sigaw ko.

Ngunit hindi nila ako pinansin. Nagsilabasan ang iba sa kanila at may natira lang na dalawa. Wala ng mga maskara ang mga ito.

"Ihanda mo ang sarili mo, Dwaeyne Waynle. Sa loob ng apat na minuto ay isasalang ka na." Sabi ng naka printed white tshirt.

"Sasalang saan?!." Angil ko. "Nasaan si Raine?.."

"Time is running." Sabay labas.

Ano?!

Wala akong maintindihan. Hindi naman ako baliw para dalhin sa mental. At nasisiguro ko na psychiatric facility lang ang may ganitong uri ng gusali o kwarto.

Baka naman may baliw na scientist?

Tsk.. Naiiling akong sinuri lahat ng sulok ng kwarto. No windows. Goodbye escape plan.

RPW  "Turns to Reality"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon