To:
BitchyIrish for my
beautiful book cover.
Thank you 💕
DitasRoldan2DWAEYNE WAYNLE POV
Mahirap ito para sakin. Kung masakit para sa kanila, double nun ang nararamdaman ko dahil ako ang nagdesisyon.
Nakalayo na kami sa gusali. Maraming mga pulis at ambulance ang nakakasalubong namin. Marahil papunta yun sa condominium.
Ohh.... Gahd...
Sana ligtas sila. Maiintindihan naman ni Lolo ang naging desisyon ko dahil alam kong ito din ang gagawin nya kung ako ang naiwan dun.
Napalingon ako sa likod kung saan nandun sina Mom. Tahimik lang sila at mugto ang mga mata. Agad naman akong nag iwas ng tingin dahil nagi guilty ako.
"Wala na tayong mapupuntahan." Sabi ni Mrs. Waynle.
"Siguro sa hotel nalang muna tayo." Sagot ko.
"May bahay ako sa liblib na lugar." Singit naman ni Raine.
"Talaga, bunso?. Pwede ba nating tuluyan yun ngayon?" Tanong ko.
"Pwede naman. Pero ayaw kong gumuho din yon gaya ng condo ni Lolo."
Natigilan ako. Hindi naman nga pwedeng masira ang bahay ni bunso. Alam ko namang pinaghirapan nya yon kaya hindi nalang.
Nagpatuloy ako sa pagda drive kahit walang siguradong destinasyon. Hanggang sa makaramdam ako ng gutom.
"Gutom na ba kayo?" Tanong ko sa kanila.
"Nak ako, oo." Sagot ni Mom.
Tumango naman si Kelly at ganun din si bunso.
"Saan nyo gustong kumain?" Pinasigla ko ang boses ko para bawas tensyon.
"Hmm... Jolibee?.." Si bunso ang sumagot.
"Oh, sige. Hanap tayo ng Jolibee."
Umaliwalas na ang mukha nya at good yun para sakin. Kaya todo lingon ako sa bawat madadaanan namin na mga establishment. Nagbabakasali na may jolibee. Tumulong na din sila sa paghahanap. Naging laro tuloy ang lahat. Paunahan daw sila sa paghanap sa bubuyog.
Malayo na ang nararating namin at wala pang bubuyog na pula sa daan.
"Pasok ka kaya sa bayan, nak." Suhestyon ni Mom.
BINABASA MO ANG
RPW "Turns to Reality"
ActionPaano kung dumating ang oras na magkita kayo? Wala ng screen na nakaharang, distansyang milya milya at keyboard na hindi nagsasalita. May bisa pa rin ba ang rs na nabuo nyo sa pekeng mundo? May kahulugan pa rin ba ang mga salitang nakalathala sa inb...