MORRAINE SHALLOTE RODRIGAR POV
Ramdam ko ang pagkapagod ng katawan ko. Alam ko din ang mga nangyayari sa paligid ko kahit pa nakapikit ang mga mata ko.
"Hoy, bibi... Bumangon ka na dyan.. Hindi mo tuloy naabutan ang kuya mo...tsk.."
Napaka pamilyar ng boses na yon sa akin. Sigurado akong si Ate Kelly yon. Pero ano naman yong sinasabi nyang tungkol kay kuya?
"Nag aalala ka, nuh.."
Boses naman ng babaeng maingay na si Demon.
"Lol, Demon..." Sagot ni Noona.
"Nag aalala ka kay Dwaeyne... Dahil baka magaya din sya kay Raine."
Hindi ko na talaga sila maintindihan. Anong magagaya sakin si kuya?.
Pinakiramdaman ko ang katawan ko. Hindi ko maigalaw. Pinilit kong mabuti hanggang sa ang mga daliri ko lang sa kamay ang nagawa kong maigalaw.
"Gahd!!!!... Kel, did you see it?!... Gumalaw ang daliri nya." Sigaw ni Demon.
Nagkagulo na sila. Bakit ba?..
Narinig kong sumigaw si Ate Kelly upang tawagin si Ate Jels. Tapos wala namang tigil sa pagsasalita si Demon.
Hayysst.....ang ingay nila...
Unti unti kong iminulat ang mga mata ko. Sa una, malabo pa ngunit lumilinaw na ito ng dahan dahan.
Puting kisame ang bumungad sakin. Tapos mukha ni Ate Jelay na may hawak na maliit na flashlight. Nasilaw ako ng itapat nya iyon sa mga mata ko. Sunod naman sa bibig ko. May ginawa pa sila sa akin bago sya tumigil at ngumiti.
"Bibi....anong nararamdaman mo? May masakit ba sayo? Anong gusto mo?" Sunod sunod na tanong nya sakin.
Lumapit na din sina Ate Kelly at demon na pawang mga nakangiti.
"T..tu-b..big..." Nahihirapan kong sambit.
Nakita ko nilang magkagulo sa pagkuha lang ng tubig. Sa huli ay si Demon ang syang nagabot nito sa akin. Inalalayan nila ako upang makainom.
Naubos ko ang tubig sa baso. Kinuha naman iyon ni Ate Jel.
"Ayos ka na ba?" Tanong ni Noona.
[Noona - Ate in Korea]
Tumango naman ako bilang tugon.
"May masakit ba?" Si Demon naman na ikina iling ko.
Iginala ko ang aking tingin sa loob ng kwarto. Wala nga si kuya. Kung nandito sya, malamang kanina pa yong nasa tabi ko.
"Si kuya?" Tanong ko.
Si Demon ang sumagot. May mission daw ito at kanina lang umalis.
Sayang.....
Hindi ko sya naabutan. Sana naman maging maayos ang lahat.
BINABASA MO ANG
RPW "Turns to Reality"
ActionPaano kung dumating ang oras na magkita kayo? Wala ng screen na nakaharang, distansyang milya milya at keyboard na hindi nagsasalita. May bisa pa rin ba ang rs na nabuo nyo sa pekeng mundo? May kahulugan pa rin ba ang mga salitang nakalathala sa inb...