PROLOGUE

5.5K 107 23
                                    

PERITISSIMUS: THE MISSION
PROLOGUE

--

Sigaw. Hagulgol.

Iyan ang mga natatanging ingay na nangingibabaw sa convention hall kung saan nagkakagulo ngayon ang mga tao. Bakas sa mga hitsura nila ang takot at pagkabigla nang makitang nakahandusay ang walang buhay na katawan ng isang kilalang businessman.

Sa kabilang banda, ay nakatayo kami at tahimik na pinagmamasdan ang buong paligid mula sa taas. Nanatili kaming nakatago at sinisigurong walang kahit sino ang makakakita sa amin.

"Fvck you, Zen. Ako dapat ang gumawa no'n!" inis na bulong ni Hugo at nagulo ang sarili nitong buhok.

"Oh shut up, Hugo. Ang bagal mo eh. Nangangati na ang kamay ko at gusto ko nang umuwi. Kung ikaw ang gumawa no'n, malamang abutin pa tayo ng siyam-siyam." sagot naman ni Zen at dinura sa kung saan ang nginunguya niyang chewing gum.

Napailing na lamang ako nang maramdaman kong magbabangayan na naman sila.

"Pabibo ka masyado!"

"I'm just doing my job."

"It's my job! Not yours! Pakialamera ka kasi!"

"Para kang tuod kanina! Seriously, Hugo? After ilang years ng training natin, matutuod ka lang sa paghawak ng sniper--"

"Pumo-position pa lang ako, okay? Palibhasa, atat na atat ka!"

"Damn you! Kasalanan ko ba kung nanginginig ka--"

"Shut it, you two. Kung hindi pa kayo titigil, kayong dalawa ang tatapusin ko." banta ni Ethan.

Sa sobrang bilis ng pangyayari ay hindi namin namalayang nakatutok na ang hawak niyang baril kay Zenree at Hugo.

Hindi naman natinag ang dalawa at nanatiling kalmado. Parang wala lang sa kanila ang baril na nakatutok.

Halos mapapikit ako sa inis at mabilis na sinipa ang baril na hawak ni Ethan mula sa mga kamay niya. Lumipad ito at akmang kukunin niya ngunit hindi ko ito pinagbigyan at inunahan siya.

"Stop! Just stop!" awat ko sa kanilang tatlo bago ibinulsa ang baril.

Huminga muna ako nang malalim bago sila isa-isng tiningnan. "Hindi na mahalaga kung sino ang gumawa. Ang mahalaga, natapos na natin ang mission natin. Okay na?"

Natutop nila ang sariling bibig nang sabihin ko iyon. Unti-unting naging malumanay ang mga mata nila hanggang sa sila'y napabuntong-hininga at nag-ayang umuwi.

Medyo matagal din ang byahe bago kami makabalik sa mansion. Nasa malayo at tagong lugar ito kung saan madalang lang mapuntahan o madaanan. Isa pa, mapuno at delikado ang daan papunta doon.

Tahimik na nagmamaneho si Ethan habang nasa shotgun seat naman si Hugo na busy sa cellphone. Katabi ko si Zen na ngayon ay pinagmamasdan ang madilim na dinadaanan namin.

Tumikhim ako upang makuha ang atensyon nila. "Penny for your thoughts?"

"Mas gusto ko ng cash, Cleo." sagot ni Ethan at mahinang tumawa.

"Cash mo mukha mo, Ethan."

"Whatever. Where's my gun?"

Napairap ako bago ito inabot sa kaniya. "Don't do anything stupid."

"Thanks." aniya at akmang aabutin ang buhok ko para guluhin ngunit hinampas ko kaagad ang kamay niya.

"Eyes on the road, Ethan."

Humalakhak lang ito at nag-focus na lamang sa pagmamaneho.

"I wonder."

Napalingon kami kay Hugo matapos niyang magsalita. Kanina pa itong walang imik mula noong sawayin ko sila.

"I wonder what it feels like going to a school or university."

Me too.

"I'll bet it feels like hell." sagot ni Zen na tila hindi interesado.

"Sabi ng mga kaibigan ko--"

"May friends ka pala, Hugo?"

"Yeah right, Zen. Unlike you."

"Oh? Ano'ng pinag-uusapan niyo? Buti hindi ka nao-out of place?"

Dinig ko ang mahinang pagtawa ni Ethan na hindi makasingit sa usapan. Habang ako ay palipat-lipat lang ng tingin sa kung sino ang magsasalita.

"Pinag-uusapan namin kung paano kita tatapusin. You ill-mannered woman, Ilang beses kong niligtas ang buhay mo! Wala akong natanggap kahit isang thank you!"

"Jerk! Asa ka pang mag thank you ako sa 'yo!"

"Gwapong Jerk?"

"Ulol! Saan banda?"

"Ayaw kong magsayang ng laway sa iyo. Tsk."

"We're not ordinary people." biglang saad ni Ethan dahilan upang muli kaming matahimik.

He's right.

We're not ordinary people.

Bata pa lang ay namulat na kami sa mundong ginagalawan namin. Galing kami sa maiimpluwensyang pamilya at laking pasasalamat namin na kahit ganoon pa man, kaming mga anak ay hindi gaanong kilala ng mga tao. At the age of 8, nag-training kami. At pagtungtong namin sa edad na 12, isinabak agad kami sa isang mission. We were trained to protect and serve our organization, Serveren.

Hindi pa namin nasubukang mag-aral sa isang eskwelahan at makihalubilo sa ibang tao. Wala kaming ibang kaibigan. Nasanay kaming pare-pareho lang ang mga taong nakikita at nakakasalamuha.

Akala nga namin ay pang habang buhay na naming ilalayo ang mga sarili sa magulong mundo.

Hanggang sa dumating ang araw na pinadala kami sa isang misyon kung saan wala kaming magawa dahil kailangan namin itong harapin.

--

DISCLAIMER:

This is a work of fiction. Names, Characters, Businesses, Places, Events and Incidents are either products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental. I do not own the photos used in this story. Credits to the rightful owners.

AUTHOR'S NOTE:

Hello! Ang kwentong ito ay kasalukuyan ko pa pong ine-edit. Sa ngayon, please bear with the typos. Maaari rin kayong mag-share ng opinions and thoughts niyo tungkol sa story. Malaking tulong po iyon para sa akin. :)

Thank you very much!  Enjoy reading!

-C

Peritissimus: The MissionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon