ANNIVERSARY SPECIAL

517 12 1
                                    

PERITISSIMUS: THE MISSION
ANNIVERSARY SPECIAL

--

THIRD PERSON

Alas kwatro ng umaga nang makabalik si Cleo sa mansion. Galing ito sa bahay nila dahil doon siya natulog kasama ang mag magulang niya. Buong araw ay kasama niya ang mga ito kaya napagdesisyunan niyang bumalik nang maaga sa mansyon para dalawin si Titus.

"Napakaaga niyo yata, Ms. Darnell?" bati ng isa sa mga tauhan nang mapadaan si Cleo sa sala.

"Maaga akong umalis dito kahapon kaya sinadya kong maaga ring bumalik dito." tugon naman noong huli at ngumiti bago nagpaalam na mauuna na.

Paakyat pa lang siya ng hagdan ngunit natigilan siya nang mapansing bahagyang nakabukas ang pinto papunta sa laboratory kaya minabuti niyang i-check na lamang kung sino ang naroon.

"Hello? May tao ba rito--" hindi na natapos ni Cleo ang sasabihin nang biglang may humawak sa likod niya at sumigaw.

"Ang takaw mo!"

"My goodness, Thaneng! You startled me!" nakabusangot na wika ni Cleo saka kinurot sa tagiliran si Ethan na patawa-tawa.

"Naks, ume-english!" pang-aasar ni Ethan dahilan para masundan pa ito ng batok na agad niyang pinagsisihan.

"Whatever. Bakit gising ka pa? Wala ba kayong date ni Juliet mamaya?" tanong ni Cleo at umupo sa sofa habang pinapanood si Ethan na magpipindot ng kung ano-ano.

"Mamaya?" kunot-noong bumaling si Ethan na tila nagtataka.

Napairap si Cleo at humalukipkip. Naisip niyang hindi na naman nito namalayan ang oras dahil nagpapakalunod na naman siya sa mga gawain sa laboratory na makapaghihintay naman.

"Oo, February 14 na, Thaneng. Wala ka bang plano o hinanda para sa inyo ni Juliet?"

"Busy siya at busy rin ako. Sa tingin mo may oras pa para roon? Atsaka, bakit niyo ba bini-big deal iyang araw na iyan? Everyday is a day of love!" pangangatwiran ni Ethan bago muling tinuon ang pansin sa monitor.

Nagkunwari namang nasusuka si Cleo habang nagpipigil na tumawa. "Ang corny mo!"

"No, I'm just stating the fact."

"Hmm, sige, kunwari na lang naniniwala ako." tugon ni Cleo bago nilabas sa bulsa ang phone niya at nagsimulang magtipa.

"Hindi ko sinasabing maniwala ka." napabuntong hininga si Ethan nang ma-realize niyang walang patutunguhan ang usapan nila ni Cleo. "E kayo? May date ba kayo ni Yuan?"

"Hindi ko alam. Pareho naming gustong matulog buong araw." sagot nito nang hindi tinitingnan si Ethan.

"See? May iba't ibang paraan tayo sa pag-celebrate ng Valentine's day. Kami ni Juliet, mas gugustuhin naming magtrabaho."

"Hay nako, Thaneng. Madalas kasi kaming lumabas ni Yuan kaya--"

"Excuse me, Cleo Patricia. Anong madalas? E halos hindi ka nga lumalabas ng kwarto mo. O baka naman--" umastang nag-iisip si Ethan bago nanlalaki ang mga mata na tiningnan si Cleo at tinuro pa siya.

"Hoy, wala kaming ginagawang masama!" dipensa naman ni Cleo at pinangunahan ang sasabihin ni Ethan.

"What? Wala naman akong sinasabi?" taas-kilay na sambit noong huli. "Defensive ka ha."

"Ikaw iyan e!"

"Patapusin mo kasi muna ako! Dapat kasi na sasabihin ko, kaya hindi ka lumalabas ng kwarto mo kasi tumatakas ka tuwing gabi!"

Peritissimus: The MissionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon