Chapter Sixty: All for One

885 21 1
                                    

CHAPTER SIXTY
All for One

ZENREE

"Good morning, Dra

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Good morning, Dra. Jenny." bati namin sa matalik na kaibigan ni Dad pagpasok pa lang namin sa clinic nito.

Awtomatiko itong napangiti nang malapad bago kami pinaupo. Inalok niya pa kami ng kape ngunit tinanggihan na namin dahil katatapos lang din naming kumain ng agahan.

"So, kayo pala iyong sinasabi ni Dylan na mga anak-anakan niya." tatango-tangong saad niya habang naghahalungkat sa drawer niya na punong puno ng folders at brown envelopes. "Binilin niya na 'to sa akin. Baka raw kasi hahanapin niyo ang records ni Veronica at hindi naman siya nagkamali."

Nagtinginan kaming lima matapos niyang sabihin iyon. Alam na alam talaga ni Dad ang takbo ng isip namin at parang inaasahan niya na talagang pupunta kami rito.

"Here it is." ani Dra. Jenny at nilapag ang isang folder kung saan may nakasulat na petsa.

August 09, 2006

"Thank you, Dra."

Kinuha na ni Cleo ang folder ngunit bago niya pa man buksan 'yon ay pinigilan ko siya. Nagtataka itong nagpukol ng tingin sa akin kaya sinenyasan ko itong tatawagan ko muna si Hugo.

"Saan ka na?" pambungad ko rito. Napaupo muli si Cleo nang hindi binibitawan ang folder.

"Nandito pa sa park. Bakit?"

"Nandito na kami sa clinic ni Dr. Jenny. Gusto sana naming basahin 'tong mga papeles kapag kumpleto na tayo rito para mapag-planuhan na natin ang susunod na hakbang. Gusto ko nang tapusin ang misyon na 'to sa lalong madaling panahon."

"Sige, papunta na ako."

Binaba ko na ang tawag at binulsa ang phone ko. Tinapunan naman ako nina Ethan at Raven ng  tingin ngunit hindi ko na lang sila pinansin.

"Bakit pa natin hihintayin si Hugo? Alam mo namang mabagal iyon kumilos." reklamo ni Ethan.

Nagulo niya na ang sarili nitong buhok dahil na rin siguro sa inis. Alam kong gustong gusto na nilang malaman kung sino ang puno't dulo ng lahat ng ito ngunit sa tingin ko ay dapat na nandito si Hugo. Isa pa, hindi ko alam pero bigla na lang akong nanlamig at pumasok siya sa isip ko. Pakiramdam ko kasi ay may hindi magandang mangyayari.

Mag-t-tatlumpung minuto na kaming naghihintay ngunit hindi pa dumarating si Hugo. Sa totoo lang ay naiinip na talaga ako kaya bago pa man ako makarinig ng reklamo kay Ethan ay sinabihan ko na si Cleo na buksan ang folder.

"This is it." pigil-hiningang sambit ni Cleo at nanginginig na binuklat ang folder.

Halos mag-untugan na kaming lima dmhabang pilit na sumisiksik para mabasa ang nakasaad sa papeles ngunit agad din kaming matigilan nang makita ang pamilyar na pangalan.

Peritissimus: The MissionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon