CHAPTER TWENTY-THREE
Trust MeCLEO
"Fvck. Kailangan na talaga nating ma-decipher ang card na iyan sa lalong madaling panahon bago pa may mapahamak sa atin."
Hugo's right. Kailangan naming malaman sa lalong madaling panahon ang cards na sumisimbolo sa amin. Nang dahil doon sa muntikang pagsagasa kay Ethan, mukhang may idea na ako kung paano ito malalaman.
Nandito kami sa workroom naming apat. Kung may workroom si Dad, syempre meron din kami. Dito kami nagtitipon tuwing may mga mission kami at nagbabasa ng background tungkol doon.
"Hugo, 'Danger' is our middle name."
Hindi ko alam kung matatawa ba ako sa sinabi ni Zen o ano. But I couldn't agree less. Sa simula pa lang, alam na naming hindi maiiwasang mapahamak kami pero heto at nagpapatuloy pa rin kami kahit alam naming isang malaking organization ang kinakalaban namin.
Nagsimulang magbigay ng mga folder sa amin si Zen. Hindi ko muna ito binuksan at nanatiling nakatitig sa mga card na nakalatag sa mesa.
Jack of diamonds
Ten of diamonds
Ace of Spades
King of Spades
Queen of Spades
Jack of SpadesThere's something more about these cards. I can feel it pero ano iyon?
Pinikit ko ang mga mata ko habang inaalala ang loob ng warehouse. Hindi ko alam pero bigla ko na lang naramdaman na doon ko mahahanap ang sagot.
"Zen, Ethan. Naaalala niyo ba kung saan naka-pin ang mga card doon sa warehouse?" baling ko rito.
Bukod sa pagiging expert sa mga weapon, Zenree has a photographic memory at ganoon din si Ethan kaya alam kong maaasahan ko sila pagdating sa mga ganito.
"Yes, sa mga upuan. Why?"
Umiling ako. "Ang tinutukoy ko ay 'yong pang-ilang upuan sila naka-pin."
Naglapag ako ng isang papel at ballpen. Nagsimula silang magsulat saka naman ako bumaling kay Hugo.
"Hugo--"
"I found something." pagputol pa nito sa sasabihin ko.
Hindi ko namalayang kanina pa pala ito nagtitipa ng kung ano sa laptop. Saglit niya itong pinrint bago binigay ng papel sa akin.
"Ano 'to?"
"Nag-research ako ng possible meanings ng bawat card at ito ang mga lumabas." tinuro niya naman ang printed copy. "We can narrow that down sa pamamagitan ng pag-compare ng mga meaning at ang characteristics natin."
I smiled. "Nice job, Hugong."
Napasimangot ito bago naupo at binasa ang mga papel na binigay ni Zen. Sakto namang natapos ang dalawa sa pagsusulat ng hinihingi ko.
BINABASA MO ANG
Peritissimus: The Mission
AçãoThey thought they'll forever isolate themselves from the ordinary world. Until they found their group in a mission where they have no other choice but to face it. --- PERITISSIMUS: THE MISSION [Editing] Written by: Chaimeeeee Genre: Action Status: C...