CHAPTER FORTY-ONE
Wrong MoveZENREE
"A Midnight blue bear on the first floor. Persian blue lion on the second and Azure-colored tiger on the last floor." saad ni Ethan at isa-isang nilapag ang mga litrato sa mesa.
Kumpleto kami ngayon sa workroom kasama sina Raven at Nephora. Napagdesisyunan namin na muling magkaroon ng meeting para mapag-usapan ang tungkol sa misyon namin. At sa tingin ko, ito na ang tamang panahon dahil kumpleto na kami. Mag-o-overnight na lang daw sina Nephora at Raven dito dahil gabi na rin.
Binalikan namin iyong oras na bihag ng periculo si Raven at kung ano-ano iyong mga nakita ni Ethan na hayop sa pader.
"Bear, Lion and Tiger? Sa pagkakaalala ko, kabilang sila sa grupo ng mga hayop na maituturing pinakamalakas at mapanganib." dagdag ni Hugo.
Tumango naman sila bilang pagsang-ayon.
"Obviously." kumento ko kaya agad niya akong sinamaan ng tingin.
"Proceed, Ethan." sambit ni Cleo at nagpatuloy nga si Ethan.
"Hindi ko nga lang alam ang koneksyon sa ng mga hayop na ito sa shades ng blue dahil mukhang random lang naman 'yon. Pero may nais silang ipahiwatig at 'yon ay---"
"Pinapakita nilang makapangyarihan at mapanganib ang organisasyon nila." pagtatapos ni Raven sa sasabihin ni Ethan.
Tumango naman 'yong huli bago naupo. Mabuti naman at maayos na silang dalawa. Nai-kwento kasi sa akin ni Cleo kanina na nagkaroon ng sagutan sa pagitan ni Ethan at Raven noong nasa sementeryo sila.
Tumayo si Raven bago binigyan kami ng tig-iisang papel na photocopy ng sa tingin ko'y pledge of loyalty.
I, Jericho Velasquez, Hunter of Periculo, do solemnly swear that I will serve and protect my organization and the family until my last breath.
May mga naka-nakasulat pang mga salita ngunit parang nabura na dahil sa kalumaan.
"Mayroon pang mga nakasulat diyan ngunit hindi na siya mabasa dahil halos mapunit na ang papel noong matagpuan ko iyon sa cabinet ng tatay ko." panimula ni Raven. "Bagamat iyan lang ang mababasa, malinaw na malinaw na bahagi siya ng periculo. Siguro ay mataas din ang ranggo niya, base sa codename niyang 'Hunter.'"
"Madalas iyan ang ginagamit sa mga magagaling na assassin na nababasa ko sa libro." ani ni Ethan. "Kaya hindi na nakapagtataka."
"Saan mo naman nalaman ang tungkol sa king, queen and princess?" tanong naman ni Cleo na tutok na tutok sa bawat sasabihin ni Raven.
BINABASA MO ANG
Peritissimus: The Mission
AcciónThey thought they'll forever isolate themselves from the ordinary world. Until they found their group in a mission where they have no other choice but to face it. --- PERITISSIMUS: THE MISSION [Editing] Written by: Chaimeeeee Genre: Action Status: C...