CHAPTER TWENTY
ArcheryCLEO
Ilang minuto rin kaming tumatakbo para lang makatakas sa mga babaeng gustong magpa-picture at humingi ng autograph kina Hugo at Ethan. Hindi naman matigil sa pagmumura si Zen habang tumatakbo kami dahil muntikan pa siyang madapa.
Sa kabilang banda, hindi maawat pagtawa si Ethan at Hugo. Palingon-lingon pa sila sa likod para tingnan kung may humahabol pa ba sa amin.
Nang masiguro naming naligaw namin sila, huminto na kami sa pagtakbo at nagtago muna sa likod ng Computer Lab kung saan wala masyadong tao.
"Imbes na mabusog ako, mas lalo akong nagutom." inis na saad ko bago pinagpapalo si Ethan at Hugo.
Kanina pa sumasakit ang tyan ko sa gutom pero mas lalo akong nagutom dahil sa pagtakbo namin.
"Bakit nga ba kayo hinahabol ng mga babae, ha? Last time I checked, walang pumapansin sa atin dito tapos bigla na lang kayong pinagkaguluhan?" dagdag ni Zen.
"Baka sila 'yong fangirls namin na todo sigaw noong nag Basketball kami ni Ethan." Ani Hugo.
"Puwede niyo rin naman kaming iwan doon kanina! E 'di sana kumakain na kami ni Zen ngayon!"
Kumunot naman ang noo ni Hugo at Ethan. Inakbayan nila kami ni Zen saka sila matamis na ngumiti.
"Kapag iniwan namin kayo doon, dudumugin pa rin nila kayo." giit pa ni Hugo.
"At bakit?"
"Kasi aakalain nilang girlfriend namin kayo."
Awtomatiko kaming napahiwalay ni Zen at sinamaan sila ng tingin. Mahina namang natawa ang dalawa habang dinuduro kami.
"Madali namang tumanggi e. Sabihin lang namin na hindi namin kayo papatulan. Yuck ha."
Umakto namang nasaktan ang dalawa. May pa-hawak pa sila sa bandang puso nila at kunwaring naiiyak.
"Hoy ang sakit no'n ha!"
"Papalag ka, Hugo?" hindi na natuloy ni Hugo ang sasabihin nang pandilatan siya ni Zen.
"Biro lang. Hindi niyo ba nakita 'yong mga lalaking batchmates natin doon? Pati 'yong ibang classmates natin?" tanong ni Ethan.
Hindi ko naman nilibot ang tingin ko kanina sa loob ng resto kaya malamang hindi ko sila napansin. Atsaka, hello? Ikatlong araw pa lang ngayon ng class proper kaya paano ko makikilala ang ibang batchmates namin.
"Hindi at wala kaming pake." as usual, iyan ang naging sagot ni Zen.
"Mukhang mga interesado sila sa inyo kaya kapag iniwan namin kayo doon, malamang dudumugin din nila kayo at hihingiin nila ang mga number niyo."
"Oh come on! Seriously? Hindi ba kayo bilib sa amin?" wika ni Zen saka pinag-krus ang braso nito.
Kumibit-balikat lang ang dalawa dahilan para mas lalong kumunot ang noo ni Zen. Pinaghahampas niya ang dalawa hanggang sa sumuko na ang mga ito at niyaya na kaming kumain na lang sa cafeteria.
Hindi na namin namalayan ang oras. Nasobrahan yata kami sa pag-enjoy ng pagkain kaya hindi na namin napansing magsisimula na ang PE Class namin. Heto at mukhang mapapasabak na naman kami sa panibagong amazing race.
Pagdating namin sa gymnasium, naabutan naming nakaupo sa gilid ang mga kaklase namin habang nagsasalita ang prof sa harap.
"Lagot tayo nito." sambit ni Ethan nang mamataan ang prof sa harap.
BINABASA MO ANG
Peritissimus: The Mission
AksiThey thought they'll forever isolate themselves from the ordinary world. Until they found their group in a mission where they have no other choice but to face it. --- PERITISSIMUS: THE MISSION [Editing] Written by: Chaimeeeee Genre: Action Status: C...