Chapter Thirty-Six: Jack of Diamonds

619 21 4
                                    

CHAPTER THIRTY-SIX
Jack of Diamonds

CLEO

Patuloy na bumabagabag sa isipan ko ang sinabi ni Dana kanina

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Patuloy na bumabagabag sa isipan ko ang sinabi ni Dana kanina. Tila sirang plaka itong nagre-replay sa utak ko at hindi mawala-wala.

Ang sabi niya, layuan daw namin si Nephora. Pero paano naman namin magagawa iyon gayong magkasama kami sa isang misyon? Isa pa, halatang hulog na siya kay Hugo kaya paniguradong hindi niya kami magagawang baligtarin dahil masasaktan si Hugo kapag ginawa niya iyon.

Atsaka, maaaring nagbago na rin si Nephora 'di ba? Siguro ganoon siya noon pero puwede rin namang nagbago na siya ngayon. Tinutulungan niya na nga kami sa abot ng makakaya niya.

"Cleo, tulala ka na naman. May problema ka ba?"

Nabalik lang ako sa reyalidad nang marinig ang boses ni Zen. Nandito kami sa cafeteria ngayon dahil lunch time at kasalukuyan kaming kumakain.

Napagtanto kong nakatingin na pala silang apat at hinihintay ang sagot ko.

"W-Wala akong problema. Inaantok lang talaga ako." pilit akong ngumiti para hindi na sila magduda.

Pinag-iisipan ko pa rin kung dapat ko bang sabihin kina Zen ang sinabi ni Dana sa akin. Hindi lang naman ako ang binalaan niya kung hindi pati na rin sila. Pero hindi ngayon ang tamang oras dahil kasama namin si Nephora na mukhang nag-eenjoy sa kinakain niya.

Tinitigan ko siya habang pinagmamasdan ang bawat kilos niya. Wala namang kaduda-duda at natural lang. Obvious namang gusto niya si Hugo kaya hindi siya mahiwalay rito. Pagdating naman sa mission, hands-on naman siya at hindi tumitigil sa paghahanap ng dagdag na impormasyon. Malaki rin ang naitulong niya kaya hindi ko maiwasang ma-guilty dahil pinagdududahan ko siya.

"Mukhang nagkakaroon na tayo ng progress sa mission natin." nakangiting wika ni Nephora. "Ano na nga pala ang nangyari sa pag-iimbestiga kina Dana at Ezekiel? Pati na rin sa mga taong kasama sa listahan ng maiimpluwensyang pamilya?"

"Mukhang hindi sila ang hinahanap natin. Hindi naman sangkot sa kahit anong underground business ang mga Sullivan at Adamson." sagot ni Hugo. "Pero ayos lang. Siguradong hindi na rin tayo mahihirapan dahil alam na namin kung anong organization ang hinahanap natin."

"Talaga? Kung ganoon, sino ang nasa likod ng pagpatay sa anak at asawa ng Dad mo pati na rin sa kanang kamay ni Daddy?"

"Hindi pa namin natutukoy kung sino talaga. Pero isang organization nagnangangalang Periculo ang nasa likod ng pagpatay."

Napatakip ng bibig si Nephora. Siguro ay hindi rin siya makapaniwalang malapit na namin mahanap ang taong pinapahanap ng mga magulang namin.

Peritissimus: The MissionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon