Chapter Forty-Five: The Assassin

575 21 5
                                    

CHAPTER FORTY-FIVE
The Assassin

THIRD PERSON'S POV

"Great job." bungad ng 'hari' pagpasok pa lang ng assassin nito sa kaniyang kwarto.

Kasalukuyang nagpapamasahe ang presidente ng Periculo sa kaniyang mga katulong. May hawak itong baso ng gin habang nakangisi sa direksyon ng kaniyang assassin.

"Hindi ko ho kayo maintindihan. Puwede ko na ngang mapatay ang babaeng 'yon kanina kahit wala na akong mga kasama pero hindi ko alam kung bakit ayaw niyo pa siyang tuluyan."

"Ano ba ang iniutos ng anak ko sa'yo?" tanong pa nito at matamang tiningnan ang babae.

"Huwag silang patayin dahil siya mismo ang gagawa no'n." sagot niya at napairap.

Tumango-tango lang ang lalaki bago sumenyas. "Ano nga pala ang ire-report mo?"

"Mapupuruhan na sana namin 'yong Zenree na sinasabi ng anak niyo kung hindi lang dumating ang dalawang kasamahan niya."

"Kasamahan? Ang sabi no'ng isang espiya ay kasama no'ng anak ni Rodriguez 'yong tatlong kasamahan niya."

"Is that so? Hindi ko na nasilayan dahil masyado rin silang magaling. Hindi sila nagdalawang isip na barilin sa ulo iyong mga kasama ko. Tanging kami lang ni Samantha ang natirang buhay. Mabuti nga at naitakas ko siya."

Halatang nagulat ang lalaki. Mukhang hindi niya inaasahan ang ganoong pangyayari.

"Nasaan si Sam?"

"Nasa kwarto niya at nagpapahinga. Malalim iyong sugat na natamo niya dulot ng kutsilyong may lason na nabaon sa hita niya."

"Okay. Magm-meeting tayo mamaya. Hihintayin muna natin ang anak ko." sambit ng presidente. "Makakaalis ka na."

Saglit na napayuko ang babae bago lumabas ng kwarto. Tinahak niya ang mahabang hallway ng mansion na walang katao-tao. Pababa na siya ng hagdan nang saglit itong mapahinto at mapatitig sa chandelier. Naalala niya bigla noong una siyang dalhin ng tauhan ng presidente rito sa mansion. Walang tigil siya sa pag-iyak dahil hindi na siya binalikan ng kuya niya sa park matapos nitong magpaalam na may bibilhin lang. Kinupkop siya ng Periculo at pinalaki upang pagsilbihan ang organisasyon. At hanggang ngayon, naroon pa rin ang galit sa puso niya tuwing naaalala ang kuya niya.

Nabalik lang siya sa reyalidad nang maramdaman niyang may naghagis ng kung ano sa mukha niya. Bumungad ang 'prinsesa' ng Periculo na siya ring kaibigan niya. Nakatingin at nakangiti ito sa kaniya habang magka-krus ang mga braso.

"Happy Birthday, Tianna."


ZENREE

ZENREE

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Peritissimus: The MissionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon