CHAPTER FORTY-SEVEN
Keep your friends closeHUGO
Hindi ko na mabilang kung ilang beses na akong napabuntong hininga dahil nabigo na naman akong kausapin sina Cleo at Zenree. Kahit pa buo na ang desisyon kong kausapin sila, hindi pa man ako nakakalapit e natatameme na ako.
"Pang ilang buntong-hininga mo na iyan, Hugo. Isa pa talaga at sasakalin na kita." banta ni Ethan na ngayo'y mukhang wala sa mood.
Nandito kami ngayon sa locker room ng boys dahil ilang minuto na lang ay magsisimula na ang game. Nagpalit na kami ng jersey dahil dinig kong hinahanap na kami ni Coach Allen.
"E bakit parang galit ka? Ano bang ginawa ko sa'yo?" tanong ko pabalik.
Pabagsak niyang sinarado ang locker at halos humaba na ang nguso dahil sa sobrang pagnguso. Ang sarap ngang hilahin ng nguso niya kapag 'di siya tumigil. Anak ng--hindi bagay sa kaniya 'no.
"Kasi hindi manonood sina Zen at Cleo ng laro natin. Hinila na naman nina Dana at Ezekiel." sagot niya saka binato ang walang lamang bote ng tubig sa basurahan.
"Para 'yon lang, wala ka na kaagad sa mood? Umayos ka nga at papaltukin kita kapag natalo tayo dahil sa'yo."
Halos magdikit naman ang kilay niya sa inis. Ang OA e. Sinabihan naman siya no'ng dalawa na babawi sila.
"Gago. E ikaw nga, kanina ka pa bumubuntong-hininga dahil hindi mo na naman sila nakausap. Bwisit ka, tanggalan kita ng--"
Hindi na natapos ang sasabihin ni Ethan nang pumasok sa locker room ang teammate naming si Ken. Gaya namin ay naka-jersey na rin siya.
"Ethan, Hugo! Hinahanap na kayo ni Coach!" aniya kaya sumenyas na lang kami ni Ethan na susunod kami.
Nilingon naman ako no'ng huli at tinapunan ng tingin.
"Hiyang hiya ako sa tangkad mo, ulol." bulong pa ni Ethan bago naunang lumabas ng locker room.
Adik talaga.
Paglabas namin ay agad kong namataan si Coach Allen na nakaupo sa isa sa mga bench habang pinapalibutan ng teammates namin. Nang makita niya kami ay agad niya kaming pinalapit. Saglit lang din ang naging pag-uusap namin at lahat ng iyon ay tungkol sa magiging takbo ng laro. Nang marinig ang pito ng referee ay naghanda na kami.
"Ethan!" tawag ko rito nang makaposisyon na kami.
Kahit na maingay ang buong gymnasium ay narinig niya pa rin ako. Hindi rin naman siya gaanong malayo kaya hindi na nakapagtataka.
Lumingon ito sa akin saka napakunot ng noo. Ngumisi naman ako bago ngumuso sa direksyon ni Lucienne. Mukhang nakuha niya naman ang nais kong sabihin dahil dumapo ang paningin niya rito at bahagyang namula.
BINABASA MO ANG
Peritissimus: The Mission
AcciónThey thought they'll forever isolate themselves from the ordinary world. Until they found their group in a mission where they have no other choice but to face it. --- PERITISSIMUS: THE MISSION [Editing] Written by: Chaimeeeee Genre: Action Status: C...