Chapter Forty-Six: Take a risk

572 20 1
                                    

CHAPTER FORTY-SIX
Take a risk

CLEO

Kinabukasan, maaga kaming nagising dahil may game raw sina Hugo at Ethan ngayong araw

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kinabukasan, maaga kaming nagising dahil may game raw sina Hugo at Ethan ngayong araw. Alas otso ang game nila at kalaban ang grade eleven.

"Dapat pala talagang mag-ingat kayo sa mga kinakain niyo. Uso ang food poisoning ngayon." saad ni Dad habang kumakain kami ng agahan.

Sarkastiko akong natawa bago sumubo ng bacon. Bigla ko kasing naalala ang pagtangkang paglason ni Nephora kay Hugo pero heto at pinagkakatiwalaan pa rin siya ni Hugo kahit na muntikan na siyang mamatay.

"Dad, si Hugo ang balaan mo. Nagbubulag-bulagan e." sagot ko nang hindi man lang tiningnan ang isa sa kanila.

"Nagbubulag-bulagan?" naguguluhang tanong ni Dad.

Naramdaman ko ang pagsipa ni Ethan sa paa ko kaya ngumiti na lang ako. Umagang umaga at ayaw kong magtatalo lang kami.

"Matakaw raw kasi si Hugo, Dad. Kung ano-ano ang kinakain." palusot pa ni Zen na mukhang pinaniwalaan naman ni Dad dahil natawa pa siya.

"Ano na pala ang nangyari roon sa batang pinaimbestigahan mo, Dad?" tanong ni Ethan na nagpatigil kay Dad.

Nag-request kasi kami kay Dad na pa-imbestigahan ang nangyari sa bata. Nagtataka siya noong una dahil ngayon lang daw kami nagkaroon ng interes sa ganoong kaso ngunit kalaunan ay pina-imbestigahan niya rin naman.

"Mabuti at pinaalala mo. Tungkol nga pala sa batang natagpuang patay sa labas ng academy, inatake raw ito dahil ilang araw na ring hindi kumakain at isabay mo pa ang pabago-bago ng panahon. Iyon daw ang ikinamatay."

Naging dahan-dahan ang pagnguya ko kasabay ng paglapag ko ng kubyertos. Imposibleng iyon lang ang ikinamatay ng bata. Positibo kami ni Zen na nalason siya.

Nagkatinginan kami ni Zen na mukhang hindi rin kumbinsido.

"Hindi po ba nila kinonsidera ang ibang angle? We're positive na nilason iyong bata, Dad." Kumento ni Zen na tumigil na sa pagkain at ngayo'y nakatuon na ang buong atensyon sa isasagot ni Dad.

"Paano mo naman nasabing nalason ang bata?"

"Kasi may intensyon iyong suspect na pumatay." sagot ko. "Hindi dapat iyong bata ang namatay. May iba siyang nais patayin pero hindi lang kayang kainin no'ng target ang pagkain na binigay niya."

"Ang gulo niyo." nakangiwing sambit ni Dad at sumimsim ng kape. "Basta walang traces ng lason na natagpuan sa katawan niya."

"Arsenic Poisoning." dagdag naman ni Zen. "Walang dudang arsenic ang ginamit niya. Iyong mga sintomas no'n ay katulad lang ng mga sintomas ng natural illness."

Peritissimus: The MissionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon