Chapter Thirty: Awake

643 30 12
                                    

CHAPTER THIRTY
Awake

ZENREE

Mabibilis at mabibigat ang bawat yabag ko habang tinatahak ang hallway ng hospital

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Mabibilis at mabibigat ang bawat yabag ko habang tinatahak ang hallway ng hospital. Dinig ko ang pagtawag sa akin ni Ethan ngunit hindi ko siya nilingon dahil paniguradong pipigilan niya lang ako.

Wala akong ibang nararamdaman ngayon kung hindi galit. Lahat ng lungkot ay biglang nawala na parang bula. Ang gusto ko lang ngayon ay iparamdam kay Alice ang lahat ng ginawa niya kay Cleo.

Hindi ko na pinapansin ang nadadaanan ko ngunit napatigil ako nang may humablot ng braso ko. Nasa may parking lot na pala ako ng hospital nang hindi ko namamalayan.

"Where do you think you're going?" sumalubong ang mapupungay na mata ni Hugo. Nasa likod niya si Titus na pinapanood lang kami habang nakapamulsa.

Marahas kong binawi ang braso ko mula sa pagkakahawak niya. "Fvcking leave me alone."

Magpapatuloy na sana ako sa paglalakad nang muli niya na naman akong pigilan. "No! Hindi ka pupunta sa kung saan and don't even try to make damn excuses gaya ng iihi ka dahil hindi na iyan gagana sa akin."

Sinamaan ko ito ng tingin ngunit hindi man lang siya natinag. Mas lalo lamang humigpit ang pagkakahawak niya sa braso ko saka ako kinaladkad pabalik sa loob ng hospital.

"Let me go, Hugo!" pilit akong kumakawala ngunit nabigo ako. "Leave me alone!"

"You're not going anywhere, Zenree."

Oh sht, mukhang wala na talaga akong ibang choice. Sorry not sorry, Hugo pero say goodbye to your babies.

Akmang sisipain ko na ang private part niya nang magawa niyang umiwas. Nasalo niya ang paa ko bago pa man ito maka-landing sa pinakamamahal niya.

"Nice try, Hilton. Better luck next time."

Halos mag-hysterical na ako para lang makawala sa hawak niya. Nawalan na ako ng pag-asa nang mamataan namin si Ethan na tila nakahinga nang maluwag noong makita ako.

"Buti at napigilan mo siya." aniya pa kay Hugo.

Kumibit-balikat lang ito at umiling. "Sa susunod, huwag mo na 'tong hayaang umalis. Nagpapadala na siya masyado sa emosyon niya at hindi maganda 'yon." dagdag pa ni Hugo bago ako sinulyapan.

Lumapit sa kabilang gilid ko si Ethan bago hinawakan ang kabilang braso ko. Para tuloy akong nasasakdal na ililitis sa korte.

Nasa tapat na kami ng kwarto ni Cleo nang  bitawan nila ako. Hindi ko na napigilang ipagtutulak si Hugo sa sobrang inis.

"Why can't you just let me go?"

"Kasi alam kong babalikan mo lang si Alice."

"Kasi deserve niya 'yon! I'm going to make her suffer and kill her!"

Peritissimus: The MissionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon