CHAPTER EIGHTEEN
Cards and CodesCLEO
Everything's too much to handle. Malamang ngayon ay pinagtatawanan na kami ng kung sino mang head ng organization na iyon. Napaikot niya na naman kami sa mga kamay niya.
"Nakakatuwa tingnan ang mga mukha niyo. Wala pang ilang minuto at nakarating na kayo dito. "
Agad na umangat ang tingin namin sa mga speaker nang marinig ang isang boses kasabay ng halakhak. Matinis at boses bata, gaya noong una itong tumawag sa akin, halatang gumamit ito ng voice changer.
"Talagang nag-alala kayo sa dalawa niyong kaibigan, ano? You must be frustrated na wala sila rito tapos nagmamadali kayo."
Muli na naman itong humalakhak dahilan para mas lalo akong mainis. Tahimik naman ang dalawa sa tabi ko at blangko lang itong nakatingin sa mga speaker.
"Sino ba namang mag-aakala na uto-uto pala ang anak ni Dylan at Levy? I'm so disappointed but oh well, matalik silang magkaibigan at parehong mga tanga kaya hindi na nakapagtataka kung namana ng mga anak."
Walang anu-ano'y hinugot ni Zen ang tatlong kutsilyo mula sa mga upuan saka ito hinagis sa wire ng mga speaker dahilan upang hindi na kami makarinig ng kung ano galing dito.
"Let's go." aya niya sa amin at mabilis na naglakad palabas ng warehouse.
Naabutan naman namin si Titus na mukhang kararating lang dahil pababa pa lang ito mula sa kotse. Nang makita kami ay kumunot ang noo niya at akmang magsasalita ngunit hindi ito natuloy nang dire-diretsong naglakad si Zen papasok ng kotse.
Tahimik lamang kami buong byahe at wala man lang nagtangkang basagin ito. Halatang wala sa mood si Zen dahil sinalpak niya na lang ang earphones niya sa tenga saka umidlip at ganoon din si Ethan.
Nang makarating sa mansion, sinalubong kami ng isang pamilyar na sasakyan na naka-park sa tapat ng main door. Nagmartsa kami papasok ng mansion at bumungad silang nasa sala.
Parehong nakayuko sina Hugo at Nephora. Naabutan naman naming pinagsasabihan sila ni Mr. Rodriguez. Si Dad naman ay nakatayo lang at blangko ang tingin.
Akala ko'y titigil sa paglalakad si Zen pero pinasadahan niya lang ng tingin sina Hugo bago umakyat ng hagdan. Sa kabilang banda, nagmano muna kami ni Ethan kay Dad at Mr. Rodriguez bago dumiretso sa kani-kaniyang kuwarto.
Agad akong nagpakawala ng malalim na hininga pagpasok ko pa lang sa kwarto. Pakiramdam ko naubos ang lakas ko.
Nilapag ko ang bag ko sa study table bago dumiretso sa banyo para maligo at magpalit ng damit. Ilang minuto rin bago ako lumabas at halos mapatalon ako sa gulat nang madatnan ko si Zen na nakaupo sa dulo ng kama ko habang nilalaro si Douglas at Snow.
"Akala ko nagpapahinga ka na." saad ko at umupo sa tabi niya.
"Wala akong oras para doon."
"Alam kong pagod ka. Magpahinga ka na, Zen."
BINABASA MO ANG
Peritissimus: The Mission
AcciónThey thought they'll forever isolate themselves from the ordinary world. Until they found their group in a mission where they have no other choice but to face it. --- PERITISSIMUS: THE MISSION [Editing] Written by: Chaimeeeee Genre: Action Status: C...