CHAPTER TWELVE
Welcome BackTHIRD PERSON'S POV
"Once again, you failed."
Pinagmasdan niya ang lalaki habang bumubuga ito ng usok mula sa tobacco. Nanginginig ang mga kamay niya sa takot na baka saktan siya nito.
"I'm sorry." ang tanging lumabas sa bibig niya.
"Ang dali-dali ng trabahong iyon. Bakit 'di mo kaya? I thought you have a plan? Saan napunta iyon? Sa basurahan?"
Bakas ang pagka-sarcastic sa boses ng lalaki bago pabagsak na nilapag ang baso ng alak sa mesa nito. Sa kabilang banda, halos mamutla naman siya nang makitang bumunot ito ng baril at sinuri ito.
"You know I did my best! Nakita mo namang halos hindi na sila makatayo kagabi 'di ba?" giit niya habang inaalala ang mga pangyayari kagabi.
"Sana tinuluyan mo na sila! Stultus!"
Nagpintig ang tenga nito at hindi na napigilang hindi sagutin ang lalaki. "I made a mistake but I'm not stupid!"
"You never fail to disappoint me."
"Lagi naman akong isang malaking disappointment para sa 'yo!" singhal pa niya. "You want them dead? You wait."
"Masyado kang mayabang. Ang dami mong dada. Bakit hindi mo na lang gawin?"
Sa sobrang inis ay tumayo na ito at pabagsak na sinarado ang pintuan ng workroom. Pagpasok pa lang nito sa kaniyang silid ay namataan niya na ang apat na litrato na naka-pin sa corkboard. Dala ng pagkairita, sunod-sunod nitong hinagis sa mga litrato ang dart na hinablot mula sa mesa.
"Nabigo man ulit ako ngayon, next time, I'll make sure na naliligo na kayo sa sarili niyong dugo."
ZENREE
Hindi ko na pinansin ang pagkirot ng iba't ibang bahagi ng katawan ko. Nang malaman kong nakauwi na rito sa mansion si Hugo at Cleo ay mabilis kong tinahak ang hallway habang sumusunod naman sa akin si Snow.
Pagbaba ng hagdan ay naabutan ko silang nakaupo ni Hugo sa sofa habang kausap ni Dad. Nabaling ang tingin nila sa akin kaya hindi na ako nagdalawang isip na tumakbo sa kanila at mahigpit silang niyakap.
"I'm glad you're okay." bulong ko.
Naramdaman ko naman ang pagyakap nila pabalik. Ngayon lang ako nakahinga nang maluwag dahil nakabalik na sila dito. May mga galos at sugat nga lang sila pero ang importante ay magkasama na kami.
BINABASA MO ANG
Peritissimus: The Mission
AcciónThey thought they'll forever isolate themselves from the ordinary world. Until they found their group in a mission where they have no other choice but to face it. --- PERITISSIMUS: THE MISSION [Editing] Written by: Chaimeeeee Genre: Action Status: C...