CHAPTER THIRTY-NINE
Jericho the HunterCLEO
"Alam mo, ang unpredictable niyo talagang apat. Napaka-misteryoso niyo." saad ni Dana habang ngumunguya ng binili naming banana chips.
Nasa study area kami ngayon dahil gusto niya raw mag-'study.' Hindi ko kasama si Hugo at Ethan dahil may inaasikaso sila para sa paparating na intramurals ng academy. Representative siguro sila ng level namin para sa basketball. Si Zen naman ay nasa mansion at mahimbing ang tulog noong umalis kami. Sabi ni Hugo, huwag na raw muna namin gisingin dahil pagod daw ito.
"Paano mo naman nasabi?" tanong ko sa kaniya habang pilit na iniintindi ang nakasulat sa notebook ko.
"Hay nako. Hindi mo ba alam na laman kayo ng usap-usapan dito sa academy simula noong first day? Kasi biglaan na lang namin nalamang may transferees na Grade 12 at apat pa kayo ha. Ang unusual kasi na may lumipat dito lalo na't graduating na." dagdag pa niya. "Sabi nga nila, baka mga basagulera raw kayo na mga estudyante at ilang beses nang na-kickout at pinalipat ng school."
Basagulera? Oh, we're worse than that.
Dahan-dahan naman akong napatango. "Hindi ko alam iyan. Paniguradong hindi rin alam nina Hugo lalo na si Zen dahil wala naman siyang pakialam pagdating sa mga chismis na iyan."
Pareho kaming natawa sa sinabi ko. Totoo naman kasing wala talagang pakialam si Zen sa mga walang kwentang chismis. Para sa kaniya, isa lamang iyong 'walang saysay na kwento mula sa mga taong walang magawa sa buhay.'
Nanaig ang sandaling katahimikan sa pagitan namin ni Dana bago ito bumuntong hininga.
"Pasensya ka na kung medyo makulit ako ha. Alam kong paulit-ulit ko nang sinasabi sa inyo na layuan niyo si Nephora pero mukhang mahihirapan kayo dahil na-attach na kayo sa kaniya."
Tila nakahinga ako nang maluwag nang binago niya na ang topic. Hindi ko na kasi alam ang sasabihin ko kapag pinagpatuloy niya 'yong tungkol sa aming apat.
Hindi ako sumagot at hinintay siyang magpatuloy.
"Pero hindi niyo ba nahalata ang pagiging plastic niya noong una pa lang?" tanong niya. "I mean, halata naman sa mukha niyang santa-santita lang siya e."
Mapakla na lang akong ngumiti. Alam kong may tinatago talagang ugali si Nephora at naipapakita niya lang iyon kay Zen na mortal niyang kalaban.
Kahit 'di nila sabihin, halata namang ayaw nila sa isa't isa. Malapit kasi si Hugo at Zen kahit na para silang aso't pusa kaya alam kong nagseselos si Nephora tuwing magkasama iyong dalawa.
BINABASA MO ANG
Peritissimus: The Mission
AcciónThey thought they'll forever isolate themselves from the ordinary world. Until they found their group in a mission where they have no other choice but to face it. --- PERITISSIMUS: THE MISSION [Editing] Written by: Chaimeeeee Genre: Action Status: C...